Una sa Balita

Villanueva dismayado sa kabagalan ng Meralco-MVP

0 263

DISMAYADO si Senador Joel Villa­nueva sa Manila Electric Company (Meralco) dahil sa kabagalan ng kompanyang pag-aari ni Manny V. Pangilinan na ayusin ang nasirang transformer ng poste sa kanilang lugar.

Excited pa naman si Villanueva sa bonding sa kanyang pamilya pero umaga pa lang ay wala nang kur­yente sa kanilang lugar.

“‘Yung sobrang excited ka this weekend to see your kids, chill at home and play with them, watch netflix, etc tapos wala pang 7am wala na kuryente,” tweet ni Villanueva dakong alas-8:30 nang umaga nitong Sabado, Setyembre 28, 2019.

Saad ng senador, dapat ay inaayos na ng Meralco noong alas-7:30 nang umaga, ngunit makalipas ang isang oras, wala pa ring usad.

Sa kanyang tweet, naka-tag ang Meralco na agad namang tumugon sa reklamo ng senador na tinawag nilang ‘Joel’.

“Apologies for the inconvenience, Joel. May we know kung mayroon ng kayong report number? If yes, paki-DM sa amin ito for further checking. We will be waiting. Salamat,” tweet ng Meralco.

Dahil dito, isang netizen ang pumuna sa kawalan ng respeto ng Meralco sa senador.

“oh may… please show some res­pect to our Senator and dont just address him by his name…” ayon sa isang Mayee Gonzales.

Samantala, bumira naman ang ilang netizen sa pagrereklamo ng senador sa kawalan ng kuryente sa kanilang lugar.

“Yung mga kababayan natin. Walang Netflix. Walang bahay. Walang pagkain. Walang kuryente. Hindi sila excited sa araw araw. Ser. Swerte ka ser,” ani @jon_canete.

“Same here Sen. Kaya lang di kami makapamasyal at makapanood ng sine ng mga bata kasi baha sa labas ng bahay. If only this problem be solved by your family. We have a Villanueva mayor, congressman and senator. Pero parang di nasosolusyonan ang baha,” ayon naman kay @pilipinas_kong.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy