Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Villafuerte, Teves nagkapersonalan! ‘Bakla’ vs ‘Bansot’ sa Batasan ‘pork’ war

0 293

Hindi na mapigilan ang palitan ng maanghang na salita ng dalawang kongresista na umabot na personalan na nag-ugat sa usapin ng budget allocation sa mga distrito.

Sa Viber group ng mga miyembro ng Kamara nangyari ang palitan ng maanghang na salita nina Deputy Speaker Luis Raymund ‘Lray Villafuerte at Negros Oriental 3rd District Rep.Arnolfo ‘Arnie’Teves Jr. na kung saan nagbatuhan ang mga ito ng mga salitang ‘faggot’ o ‘bading’ o bayot.

Bago ang sagutan ng dalawa ay kinuwestiyon ni Teves sa budget deliberation ng DPWH 2021 proposed budget ang hindi umano patas na pamamahagi ng pondo sa mga congressional district na tulad umano niya kakapiranggot lamang ang ibinibigay habang ang iba naman ang lalaki.

Sinundan pa ng pagsiwalat ang nasagap niya umanong balita na bibigyan umano ng budget allocation ng DPWH ang Camarines Sur na distrito ni Villafuerte ng P11.8 bilyon habang ang Taguig City ay may alokasyon din umanong P8 bilyon.

Ang siniwalat na ito Teves ay pinalagan ni Villafuerte at inakusahan ang una na umano’y nagpapakalat ng tsimis at nagpagamit umano kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at dating Negros Occidental congressman Alfredo “Albee” Benitez upang siraan ang liderato ni Speaker Alan Peter Cayetano at para mabalam ang pagpapatibay ng 2021 budget.

Pumalag naman dito si Teves at binuweltaan nito si Villafuerte.

“I hope everybody is a witness to this conversation. Walang kasuhan ha? Walang ethic-ethics ha? That day will come. Alam naman ng lahat ang pagkabading mo,” buwelta ni Teves kay Villafuerte.

Sagot naman ni Villafuerte , “Ikaw ‘ata bading puro hambog gawa mo! Tapang mo, kanina na sana ‘Di ba? Ikaw lang kilala ko na naghahamon sa viber, gawin mo! Duwag ka naman.Puro ka daldal! Baka umiyak ka ulit.”

Dahil dito, hinamon na ni Teves si Villafuerte na magsuntukan at huwag umatras gaya umano ng ginawa nito sa matagal nang kalaban sa Camsur na si dating House majority leader Rolando Andaya Jr.

“Baka nakalimutan mo,di ka lumaban kay Andaya, Don’t worry we will meet in person, I hope you work out enough. I don’t like word wars. ‘ Pag nagharap lang tayo” babala pa ni Teves.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa tumitinding palitan ng maanghang na salita ng dalawa sa group chat ay umawat si Anakalusugan Rep. Mike Defensor

Bagama’t kumalma si Teves ngunit hindi pa rin natapos at tinawag pa nito si Villafuerte ng ‘faggot’.

“You know I don’t lie. Let that faggot prove Albee and Lord’s involvement. Boss Mike, kilala mo ako. Sige lang. I hope he will be man enough when we meet. Lahat ng sinabi ko totoo ,” pagtatapos pa ni Teves na agad ring sinagot ni Villafuerte ng, “Who’s the faggot and the bansot!”.

Albee Benitez hinamon si Villafuerte

Kaugnay nito ay hinamon ni dating Negros Occidental Rep. Albee Benitez si Villafuerte na idetalye ang bawat sentimos sa panukala niyang P11.8 bilyong budget para sa infrastructure project sa kanyang distrito sa Camarines Sur.

Niresbakan din ni Benitez si Villafuerte sa walang basehang paratang na siya ang utak at nag-utos kay Teves para gisahin sa Kamara ang multi-bilyong budget nito.

“In the first place, bakit kailangang paglaanan ng P11.8 bilyon ang infrastructure projects sa Camarines Sur? If the good Congressman is morally certain that his budget will pass the public’s scrutiny, then prove us all wrong. Be transparent with your own district’s budget,” ayon pa sa dating kongresista.

Idiniin ni Benitez na alam naman ni Villafuerte na may pinagdaraanang krisis ang bansa dahil sa COVID-19 kung kaya’t kapos sa pondo ang pamahalaan.

Hinamon din ng dating mambabatas si Villafuerte na ipaliwanag sa sambayanang Filipino kung bakit ang pamahalaan ang babalikat sa konstrukston ng kapitolyo nito na nagkakahalaga ng mahigit sa P420 milyon.

Sa budget hearing ng DPWH noong Huwebes, sinabi ni Teves na may nakalaang P11.8 bilyon sa Camarines Sur bilang budget sa mga infrastructure projects nito samantalang P8 bilyon lang ang para sa Taguig City na pinamumunuan ng mga Cayetano.(Eralyn Prado/Mia Billones)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.