Una sa Balita

Viking Ceres bus nahulog sa bangin, 5 patay

By
0 380

LIMA katao ang iniulat na nasawi habang hindi bababa sa limang iba pa ang su­gatan matapos na mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus na kanilang sinasakyan kamakalawa nang gabi sa ba­yan ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental.

Base sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, apat sa mga pasahero ang dead on-the-spot habang isa ang namatay habang isinugod sa pagamutan matapos mawalan umano ng preno ang Viking Ceres bus na may plakang AAB-9276 at minamaneho ng isang Jezr Resonable, 47, at magtuloy-tuloy itong nahulog sa bangin sakop ng Purok Talks, Barangay Igmaya-an ng nabatid na bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na galing ng Bacolod City ang bus lulan ang mahi­git 10 pasahero at patungo ng San Carlos City. Subalit pagdating sa nabatid na lugar ay nawalan umano ng preno ang bus dahilan upang hindi na makontrol ng drayber ang sasakyan at magtuloy-tuloy na nahulog sa bangin.­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy