Una sa Balita

Vikander at Fassbender kasal na

By
0 135

Kinasal na ang Oscar winner na si Alicia Vikander sa aktor na si Michael Fassbender sa Ibiza, Spain noong nagdaang weekend. Nag-exchange wedding vows ang 29-year-old Swiss actress at 40-year-old Irish actor sa La Granja farmstead resort kasama ang ilang mga pamilya at kaibigan.

Bago ang wedding ceremony, namataan ang dalawa sa isang kilalang hangout bar sa naturang­ Spanish island kasama ang ilang mga kaibigan­. Kinabukasan, pagkatapos ng kanilang wedding, nakunan ang dalawa na suot ang kanilang wedding bands.

Unang nagkikilala ang dalawa sa set ng pelikulang The Light Between Oceans in 2014. Doon na nagsimulang mag-date ang dalawa, pero tahimik lang sila sa media tungkol sa naging relasyon nila.

“I think we’ve made a clear statement that we keep certain things just between us. It was very easy to unite, but that’s quite personal,” sey pa ni Vikander.

Sumang-ayon naman si Fassben­der: “Each to their own. I’m not going­ to talk about my private life with a total stranger, unless I feel like I need to. Why would I? I don’t.”

Unan­g public debu­t nila bilang isang showbi­z couple ay noong 2016 Golden Globes Awards kung saan sabay silang naglakad sa red carper. Noong gabing iyon ay nanalo pa si Alicia bilang best supporting actress para sa pelikulang The Danish Girl. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy