Una sa Balita

Vietnamese President Quang pumanaw sa edad na 61

0 437

SUMAKABILANG-BUHAY na kahapon, Set­yembre 21, si Vietnam President Tran Dai Quang sa edad na 61.

Ayon sa Vietnam News Agency, pumanaw si Quang sa 108 Military Hospital sa Hanoi dahil sa malalang karamdaman. Hindi naman tinukoy kung ano ang sakit nito.

Ang huling public appearance ni Quang ay ang pakikipagpulong nito Community Party at ang pagtanggap sa Chinese delegation nitong nagdaang Miyerkoles.

Noong nagdaang taon, nakasalamuha din ni Quang si US Pre­sidente Donald Trump sa una nitong pagbisita sa communist country.

Halos isang buwan ding hindi nakita ng publiko si Quang noong 2017 at pinagdudahang may sakit ito.

Bago nailuklok bilang Pangulo noong Abril 2016, nagsilbi si Quang bilang Minister of Public Security kung saan ilan sa mga pa­ngunahing tungkulin nito ang intelligence gathering, at paggapi sa mga domestic at foreign threats sa partido. (AP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More