Una sa Balita

Video scandal ni Mark ikinalat

By
0 5,811

Maaaring bansagan ngayon si Mark Bautista na ‘Dura King’ dahil nga raw sa diumano ay video scandal na kumakalat ngayon sa social media lalo na sa Facebook.

 

Kaloka naman si MARK BAUTISTA!

Posted by DEAR BESH on Wednesday, April 18, 2018

Sa isang parte kasi ng video, nakita ang pagdura ni Mark sa kanyang kamay na hindi alam kung saan nito ginamit ang laway dahil tinakpan na ang bahaging ‘yon sa video na ito na in-upload ni Dear Besh.

Sa nasabing upload, kitang nasa loob ng banyo ang nasabing lalaki na ayon nga sa mga netizen ay si Mark ito during his younger days na tila nakahubad dahil saglit naming naaninag na wala itong underwear.

Hindi alam kung may ka-chat ba ito o nanood lang sa isang chatroom dahil sa huling bahagi nito ay nakitang sumilip pa siya.

As usual, iba’t iba ang mga reaksiyon tungkol sa video ito ng actor-singer na kailan lang ay umamin na siya ay isang bulalo bago inilabas ang kanyang libro tungkol sa kanyang autobiography.

Para sa iba, mas naging exciting sana raw ito kung nailabas ito noong panahong puno pa sila ng ilusyon sa lean pero mase-maselang si Mark.

Noong panahon na wala silang alam sa totoong kasarian nito na katulad ng mga nasa Bekilandia ay sumasagpang din pala ng jumbo hotdog.

Anyway, elya factor? Parang ‘di ko maramdaman, huh!

Arjo jackpot sa halikan kay Sue

Ang lakas ng impact ng kissing scene nina Arjo Atayde at Sue Ramirez sa Kapamilya teleserye na Hanggang Saan na ang basehan ay ang reactions ng kanilang mga tagahanga.

Napanood namin ito at ramdam namin ang pagiging passionate nila sa eksenang ‘yun, pero hindi bastusin.

Inggit much nga raw ang karamihan kay Sue dahil nadampian na siya ng pink lips ni Arjo na marami ang nagpapantasya.

On the other hand, marami ring kalalakihan ang inggit much din kay Arjo dahil sa mukhang malambot at virgin lips naman ni Sue.

Ilang minute rin ang itinagal nang tukaan na ‘yon na parang wala na ngang katapusan dahil sa sobrang feel na feel nila ang isa’t isa.

Tuloy, marami ang nagtatanong kung ano kaya ang naging reaction ng kani-kanilang ‘dyowa’ sa eksenang ‘yun.

Wala pa namang violent reaction mula kay Joao Constancia na nail-link ngayon kay Sue, maging sa dyowa ni Arjo na si Sammie Rimando.

Wala naman silang choice siguro kundi tanggapin ito dahil katulad nina Sue at Arjo, pareho rin naman silang nasa showbiz at ang mga ganitong eksena ay talaga namang nangyayari.

Feel na feel naman ng dalawa ang dampian ng kanilang mga labi, pero alam naman nating wala itong malisya at on a professional level lang naman ito.

No room for selosan lang daw dapat or else, ‘wag nang mag-showbiz, devah?

First screen kissing scene ito ni Sue kaya isang record ito kay Arjo na siya ang nakauna sa lips ni Sue sa telebisyon.

‘Yun na!