Una sa Balita

Video scandal ni male celeb nakaambang kumalat dahil sa nawalang cellphone

By
0 407

Praning ngayon ang isang male celebrity dahil sa pagkawala ng cellphone niya. Huling ginamit ng male celeb ang kanyang phone ay noong nasa gym siya.

Sa pagkakaalam ­niya, nilagay niya ito sa loob ng kanyang gym bag at pinasok sa locker bago siya nag-shower. Nasa parking lot na raw si male cele­b noong i-check niya sa gym bag niya ang kanyang phone at wala na roon.

Mabilis na bumalik si male celeb sa locker­ room, nakita niyang nasa loob ng ginamit niyang locker ang phone.

Imposible raw na maiwan niya ang phone sa locker dahil mabilis niyang makikita ito noong nagbihis siya.

Hinala ng male celeb na may kumuha ng phone nito sa kanyang gym bag. Baka raw may nagbukas ng locker niya at kinuha ang phone.

Ang problema ay walang CCTV camera sa loob ng locker room at kahit sa may shower area. Sa entrance at exi­t lang daw ng locker/shower room ang sakop ng CCTV camera.

Sa dami daw ng mga naglabas-masok sa locker room, walang makakatukoy kung sino ang sala­rin sa pagkuha ng cellphone ni male celeb.

Ang kina­kapraning daw ni male celeb ay may mga photos at videos siya sa phone na hindi pa niya dini-delete. Ilan sa mga iyon ay mga perso­nal at pribadong acti­vities ni male celeb sa loob ng kanyang kuwarto.

“Kinakabahan si male celeb kasi any moment may maglabas ng mga videos at photos niya. Eh may mga endorsements pa naman daw siya. Baka biglang mawala ang mga iyon kapag lu­mabas ang mga iyon.

“Hindi raw pang General Patronage ang mga videos at photos. For Adults Onl­y daw kaya praning eve­r siya,” sey ng aming source.

Pinagdarasal lang daw ni male celeb na ‘di nabuksan ang phone niya dahil sa password. Kung ma­galing mang-hack ang kumuha ng phone niya, malamang nakita­ nito ang laman. Pero­ kung ‘di raw na-break ang password niya, magiging kampante siya.

Kaya dalangin ni male celeb na walang nakuha at agad-agad na niyang binura ang anumang malaswang laman ng phone niya.