Victory Liner sinalpok sa Nueva Ecija, 2 patay

By

Nagsama-sama sa hukay ang dalawang kalalakihan habang sugatan ang isa pa makaraang sumalpok sa pampasaherong bus na Victory Liner noong Lunes ng hatinggabi ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway sakop ng Brgy. Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Eliseo Tanding, acting NE police director ang dalawang nasawi na sina Ronwell Bernolo Listerio, 23, ng Brgy. Pob. West at Jo­cel Ramirez Martin, 23, ng Curva, Brgy. Bantug kapwa sa naturang lungsod.

Sugatan naman ang isa pang rider na si Andrea Gamboa, 20, dalaga, ng Brgy. Sto Rosario, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Nabatid na alas-11:20 ng gabi sakay ang tatlo ng motorsiklo patungong city proper nang bumangga sa bus na minamaneho ni Francisco Malana Genobili III, 46, ng Tuao Cagayan. 

SHARE