Una sa Balita

Victorious Colt tatasahan sa PHILRACOM 4YO race

0 310

ILANG araw na lang at magtatagisan na ng bilis ang anim na tigasing kabayo paglarga ng 2019 PHILRACOM “Four-Year-Old & Above Local Stakes Race” sa Metro Turf ng Malvar-Tanauan City sa Batangas sa darating na Linggo.

Muling makikilatis ang tikas ni Victorious Colt na galing sa panalo, makakalaban niya sa 1,800-meter race sina Hiway One, Metamorphosis, Pangalusian Island, ScarboroughShoal at Summer Romance.

Nakalaan ang guaranteed prize na P500,000, ikakalat ito sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Tatanggap ng P300,000 ang mananalo, kukubara ng P112,500 ang pangalawa habang tig P62,500 at P25,000 sa third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

Pipitas din ng P15,000 ang breeder ng winning horse mula sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Samantala, nakatutok din ang horseowners, trainers at jockeys sa 2019 PHILRACOM “Three-year-Old Imported/Local Challenge Race” na pakakawalan sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Paniguradong todo rin sa paghahanda ang mga trainer sa kanilang pangkarerang kabayo dahil sa laki ng premyo ng nasabing stakes race, may P1.5M ang ipamumudmod sa top four horses. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy