Una sa Balita

Victorious Colt angat kay Smokin Saturday

0 284

UMAATIKABONG bakbakan ang nasilayan sa Condition Race Merged (9) Miyerkoles ng gabi sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas kung saan ay nagwagi si 2018 3rd Leg Triple Crown ruler Victorious Colt.

Pagsapit ng karera sa huling kurbada ay nagkaroon ng matinding labanan sa unahan.

Tangan ni Smokin Saturday ang bandera sa rektahan habang hinahabol siya nina Victorious Colt at Garantisado.

Bandang 100 metro ng karera ay umaagaw na ng bandera si Victorious Colt na sinakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year Awardee O’Neal Cortez.

Sumegundo si Smokin Saturday habang tersero si Garantisado.

Samantala, nagpakitang-gilas din ang liyamadong Sheltex Magic sa Group race category 10 na pinasibat sa huling karera.

Hinablot agad ni Sheltex Magic ang unahan sa largahan at hindi na ito pinakawalan hanggang pagtawid ng meta sa distansyang 1, 400 metro. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy