Una sa Balita

‘Victor Magtanggol’ magwawakas ngayon

By
0 268

Ngayong gabi na ang The Heroic Finale ng primetime series na “Victor Magtanggol.” Sa kabila ng hindi nawawalan ng detractors ang show at si ­Alden mismo, hindi nabubura ng mga ito ang kaligayahan ni Alden na nakagawa siya ng ganitong klase ng serye na alam niyang minahal ng karamihan at kinapulutan ng inspirasyon.

Mami-miss daw talaga ni Alden hindi lang ang cast kundi lahat ng bumubuo ng “Victor Magtanggol” kaya very vocal ito sa pagsasabi na kung may susunod siyang project, ang gusto niyang talaga ay ang sila-sila pa rin daw sana sa VM ang kasama niya.

“Ang kinaganda po kasi ng mga artista rito, buhos lahat kaya ako po, bilang actor, nakukuha ko pa rin po ang energy nila.”
Sinabi rin ni Alden na nag-suggest din daw siya na sana raw kahit ‘yung Magtanggol family ay maka­gawa ng isang Christmas drama special para lang mai-showcase pa rin ang pagiging pamilya at sana nga raw mai-approve.