Una sa Balita

Victolero sumakit ang ulo kina Fajardo, Romeo

0 288

MY GHAD!

Finals Game 5 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00pm — SMB vs. Magnolia
(Series tied 2-2)

Ang dating best-of-seven na PBA Philippine Cup Finals, nauwi sa best-of-three pagkatapos ng apat na laro.

Tinakbuhan ng San Miguel Beer ang Magnolia 114-98 Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum para ibuhol ang series sa 2-2.

Tinanggap muna ni June Mar Fajardo ang record sixth-straight Best Player of the Conference niya bago ang laro, pagkatapos ay ipinagdiinang karapat-dapat siya sa eighth overall BPC award nang dominahin ang laro.

Tumabo ang San Miguel slot man ng 31 points at 14 rebounds, walang nakapigil sa kanya sa loob. Halos perpektong 13 of 14 mula sa field ang 6-foot-10 Cebuano, 5 of 6 sa free throws at ku­malawit ng 14 rebounds sa loob ng 32 minutes.

Sa third, naglista ng 14 points si Fajardo para panatilihin sa laro ang SMB.

Na-outscore ng Beermen ang Hotshots sa paint 56-38.

“Na-dominate ni June Mar ngayon ‘yung game. I think ang taas ng percentage niya sa paint,” bulalas ni Magnolia coach Chito Victolero.

Unahan muli sa pa­nalo sa Game 5 mamaya sa Big Dome din, alam na ni Victolero kung ano ang dapat nilang gawin.

“We need to do a good job next time on June Mar sa post. Almost 100 percent yata ‘yung field goal niya,” aniya.

Para sa counterpart ni Victolero na si Leo Austria, hindi lang si Fajardo ang nagpakita kung maging ang ibang support cast.

“What I like with our team is the energy, focus and pride. ‘Yun ang umiiral sa kanila ngayon,” ani Austria. “It’s a team effort, everybody was so focused.”

Limang players pa ng SMB ang umiskor ng 11 pataas sa pangu­nguna ng 18 ni Terrence Romeo na 3 for 5 sa 3-point range at may 4 rebounds at 5 assists.

May 15 points at 7 rebounds si Chris Ross, double-double na 13 at 14 si Christian Standhardinger. Lahat ng 12 points ni Arwind Santos ay mula downtown.

Nagsumite ng tig-22 points sina Mark Barroca at Jio Jalalon, may 19 points at 11 rebounds si Ian Sangalang. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy