Una sa Balita

Victolero, Magnolia hindi makabuwelo

By
0 380

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
4:30 pm – Blackwater vs. Alaska
7 pm – Magnolia vs. Rain or Shine

HINDI pa makabuwelo sa PBA Philippine Cup ang Magnolia, nadalawahang sunod na talo na sa gayunding dami ng salang huli sa San Miguel Beer 113-92 noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos itaas ang tropeo ng nakaraang Governors Cup noong Dec. 19, higit isang buwan na nagpahinga ang Pambansang Manok Hotshots. Runner-up sila ng SMB sa all-Filipino noong nakaraang season, ngayon ay sila na lang ang walang panalo sa torneo.

Ayon kay coach Chito Victolero, hirap silang mag-adjust sa schedule.

“It’s not an excuse, pero nahihirapan kami ngayon dahil rhythm at timing sobrang wala pa,” aniya. “Ang problema lahat ng nakalaban namin parang nakakuha na ng buwelo.”

Posibleng nag-iba ang senaryo kung mas maaga silang naglaro, kumpara sa Feb. 3 na unang sabak ng Magnolia. Obligadong magpahinga ang Hotshots pagkatapos ng championship run.

“At a disadvantage talaga, kaya lang wala kaming magagawa kasi the players need to rest also kasi sobrang pagod din sila. Problema nga lang, ‘di kami nakabalik ulit sa laro,” dagdag ni Victolero. “‘Di pa naman kami nagpa-panic, pero we have to work that sense of urgency.”

Isusunod ng Hotshots ang league-leader Rain or Shine (5-1) ngayong araw sa MOA Arena.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy