Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vico: Suportahan natin vaccination program

0 108

Nanawagan sa publiko si Pasig City Mayor Vico Sotto na suportahan ang programa ng gobyerno sa pagbabakuna kontra COVID-19.

Aniya, “Let’s support the vaccination program ng ating pamahalaan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa ating lungsod at para sa ating bayan.”

Sa vaccination drive sa Pasig may mahigit 100 health worker umano ang nagparehistro para pabakuna ng CoronaVac ng Chinese firm na Sinovac Biotech.

SM food to go Banner Ad

Pero nilinaw niyang hindi pipilitin ang mga health care worker at residente nilang ayaw pang paturok ng CoronaVac.

“Kung hindi pa tayo sigurado, OK lang po ‘yun. Huwag natin i-judge ‘yung mga healthcare frontliner na ayaw pa or natatakot pa,” dagdag niya. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.