Una sa Balita

Vico nagsubasta ng sapatos para sa mga bakwit

0 297

HINDI pinanghinayangan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ibigay ang mamahalin niyang rubber shoes para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ibinigay ni Sotto ang kanyang Air Jordan 11 Retro Low LE na may US size 13 sa non-profit organization na Earth Shakers para makakalap ng pondo at maibigay ito sa mga evacuee.

Sabi sa Facebook post ni Matthew Santiago Cuyugan, P12,000 ang starting bidding price ng rubber shoes ng alkalde.

May kasamang eco-bag na may message at pirma ng alkalde ang rubber shoes.

Maliban sa rubber shoes, ibebenta rin sa online charity auction ang mga pre-loved item na ginamit ni Mayor Vico. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More