Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vico hinimok mga mayor na sugpuin katiwalian

0 321

MALAKI ang pagpapasalamat ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa parangal ng US Department of State bilang isa sa 12 International Anti-Corruption Champions.

Ayon kay Sotto, sana ay magsilbing daan ang parangal sa lahat ng local government unit (LGU) na sugpuin ang katiwalian at korapsyon sa pamahalaan na kung saan ay kailangan ng pagkakaisa at alisin na ang nakasanayang maling kultura.

Base sa inilabas na statement ni US Secretary of State Antony Blinken, pinarangalan ng International Anti-corruption Champion Award ang mga indibidwal na walang sawang lumalaban sa korapsyon at nagiging transparent para sa malinis na serbisyo sa bansa at nagpakita ng mahusay na leadership. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.