Una sa Balita

Vico, Gretchen magdyowa na?

0 818

Sa dami ng gustong mag-apply, tila may isa na ngang nakapasa na maging date o girlfriend ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Anyway, spotted nga na magkasamang nanood ang “Umagang Kay Ganda” host na si Gretchen Ho at Mayor Vico sa 2019 Southeast Asian Games (SEAG) women’s volleyball.

What is the meaning of this? Si Gretchen na nga kaya ang nakabihag sa puso ng Pasig mayor? O baka naman getting to know each other pa lang?

Ito kasi ang first time na nakita si Mayor Vico na may kasamang girlalu sa publiko matapos niya sabihing naghihintay lamang siya ng mag-a-apply sa kanya na maging dyowa.

Siyempre, never forget dapat ano ang mga requirement na inilatag ng Pasig mayor which is sabi nga ay gusto niya ‘yung maka-Diyos at may mabuting kalooban. So, si Gretchen na nga ba itong makakapuno ng qualifications ni Mayor Vico?

Marami ngang fan ang nag-react sa litratong magkasama ang host at mayor, lalo na ang mga Pasigeños.

Ayon pa sa ilang mga post, naroon din kasama nila Mayor Vico at Gretchen ang pamilya ni Mayor Vico, so approve na rin kaya si Gretchen? Ay grabe talaga, parang ang bilis ng mga pangyayari, ha!

Nag-iisip na nga rin ang mga fan ng ibabansag na pangalan sa kanilang tandem, kesyo may nagbansag ng “SoHo” mula sa kanilang mga apelyidong Sotto at Ho, mayroon ding nagbansag ng “ViChen” mula sa kanilang pangalan na Vico at Gretchen. Well, pagdating talaga sa mga pagpapares ay agad ding tumataba ang utak ng mga Pinoy.

Anyway, marami ring fan na nainggit kay Gretchen dahil wala na nga raw silang pag-asa na mapansin ni Mayor Vico bilang ka-date.

Pero overall, maraming fan ang masaya para kay Mayor Vico kung sakali mang mayroon talagang namamagitan sa kanilang dalawa ng “UKG” host. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy