Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vico, Gabby, Coco, Dingdong tablado kay Kris

0 322

Sumabak na nga si Kris Aquino sa sikat na content sa social media na ‘Jojowain o Totropahin’, at siyempre, kontrobersiyal ang mga sagot niya.

Heto nga ang mga sagot ni Kris sa mga pangalan na binanggit na pagpipilian niya kung ‘jojowain o totropahin’.

DINGDONG DANTES:

“Totropahin, kasi nakita ko, I worked with him, I know him, I know na he kept his friendship na pangmatagalan talaga. I would not be comfortable na ang jowa ko ganun kaguwapo, required na maraming kahalikan. Pangtropa.”

PIOLO PASCUAL:

“Jojowain!” sagot ni Kris.

“Without a doubt!” hirit ni Bimby na katabi lang ni Kris na kumakain.

“Without a doubt talaga, jojowain. Hi Papa P. Pakikisamahan ko buong pamilya mo. Your mom likes me, coz your mom like my mom.”

ALDEN RICHARDS:

“Wala ito sa edad, ha? Jojowain, kasi because of ‘Hello, Love, Goodbye’, at ang cute ng dimple niya, at ang kinis niya, kasingkinis ko. Ay talagang kinumpara ko sarili ko kay Alden, oh.”

JOHN LLOYD CRUZ:

“Jojowain! Oo, yes, you know why, nabalitaan ko lang very generous siya. Hahahaha. Nabalitaan ko lang. And ano, year of the pig siya, para makumpleto na, kasi pig si Kuya (Josh), pig ako, pig si Bim. Hi JLC.”

COCO MARTIN:

“Tropa, kasi generous siya sa tropa niya, maalaga siya sa tropa niya. So totropahin ko siya. Noong nakatrabaho ko siya, ‘yung binigay niya sa akin na ano (regalo), he has taste, tropa pa lang `yon.”

EMPOY MARQUEZ:

“He’s very nice,” hirit ni Bimby.

“Ang bait-bait,” dugtong pa ni Bimby.

“Super, and he makes me laugh. So, puwede ko siyang jowain. Nice siya talaga. Gustong-gusto ko talaga ugali niya. Magaan siya. Ayoko na talaga ng mga pabigat.”

WILLIE REVILLAME:

“Ikaw, Bimb?” tanong ni Kris kay Bimby.

“Wala na akong paki Mom, I don’t care! Hahahaha!” sagot ni Bimby.

“Jojowain, kasi ano…” sey ni Kris.

“He’s very generous,” sey ulit ni Bimby.

“No, I know he has his money, and we have our money. And then, I also know na with him, you’ll know what you’re getting yourself into, kasi hindi naman nambobola, alam naman natin na babaero siya, so what’s the big deal? At least you know, mas okey na sa akin na huwag kang magpanggap. Feeling ko naman he’ll treat you and Kuya well.

“Hindi lang kami magkakasundo kasi hindi siya mahilig matulog. Eh ako hilig ko matulog. Pero gusto ko rin kasi dahil malinis at maayos siya sa bahay, ayoko ng madudumi.”

GABBY CONCEPCION:

“Totropahin, kasi takot ako sa mas maganda sa akin. He’s not handsome, he’s beautiful. Mukha niya beautiful, yung kutis, yung lips, yung nose, mata, kung naging babae ‘yan Miss Universe ‘yon. Parang pag katabi ko sa picture hindi ka na mapapansin, gusto ko naman pansinin ako.”

ANTONIO TRILLANES:

“Totropahin, kasi ayoko namang dumalaw sa kulungan. (Inawat ni Bimby sa Kris sa puntong ito).

“No that was my life Bim as a child. At this point in my life, I want to repeat that experience? No more. Parang pinagdaanan ko na `yon from 1 until I was 9. Now na ano, I’m hitting the half century mark, ‘one assassination in the family is enough’.

“Honesty lang, di ba? May mga tao talaga na ganun ang prinsipyo talaga. To fight for the right without questions or pause, to be willing to march and to hell for that heavenly cause’. We have to be practical lang naman, kasi I have 2 kids.”

MAYOR VICO SOTTO:

“Totropahin kasi bilib na bilib ako sa trabaho niya, sa ginagawaniya, sa humility niya. And kung ako maging asawa niya, magiging minus ako sa kanya, kasi mapipintasan, ‘bakit ‘yung asawa ganiyan ang arte, ang simple simple nung Mayor, kawawa naman si Mayor’.”

RAFFY TULFO:

“Jojowain, because nakita ko ‘yung shoes. Hahahaha! Yeah, kasi we have so many common, at tiningnan ko lahat ang hilig niya, pareho kami, kung ano mga sneakers ko, ganun din sneakers niya. Sinabi niya passion niya,  di ba? And feeling ko kung asawa ko si Raffy Tulfo, lahat matatakot na galawin ako. So ano na ako, hindi na ko kailangang magsumbong, lagot na silang lahat. And ‘yun nga, the time we met him ‘yung shoes niya, meron ako noon, nalaman ko kung ano ang meron siya, meron din ako, so right away nalaman ko na we have something in common, ang sneakers.”

Sa puntong ito, hindi pinakita kung sino ang lalake, pero obyus na sa photo, na shadow lang, mukhang si former Q.C. Mayor Herbert Bautista ito.

“Patay ka! You’re dead! Hahaha!” pabirong reaksiyon ni Bimby.

“Oh, my God. Puwede mo na ready ticket mo out of country. Lagot ka, umalis ka na, punta ka ng ng Dubai. Hahaha!” tawang-tawa na sabi ni Bimby sa kausap nila ni Kris, o sa taong nagbibigay ng mga pangalan.

Pero, sinagot pa rin ito ni Kris na, “Jojowain.”

Pero, hindi na nga pinakita ang sagot ni Kris kung bakit.

SEN. BONG GO:

“Ay, kaya kong sagutin ‘yan with pleasure, jojowain. Makinis siya, sorry, ha, I know this is mababawa, pero ayoko talaga ng ma-pimple. Importante sa akin talaga na makinis ang kutis. Eh, si Bong Go, parang feeling ko mahilig siyang maligo kasi makinis talaga skin niya, and he’s always been nice to us. Ang dating niya, hindi siya mayabang. So gusto ko siya. Mawi-weird-an lahat ng tao, ‘gusto mo siya, really’. Yeah…”

At ikinuwento nga ni Kris na sinamahan siya ni Bong Go noong mag-campaign siya sa Davao noon para kay former President Noynoy Aquino, at noong presidente na raw si Noynoy, nagpunta ulit siya ng Davao, at in-assign daw ni Pres. Duterte si Bong Go  na Mayor pa lang noon, na samahan siyang umikot, at inalagaan daw siya nito.

“Hindi niya ako pinabayaan at until now he’s still nice. Walang nagbago sa kanya. Okey ito, kasi wala naman siyang pakinabang sa akin, and he’s still nice. So, for me ganun mga gusto kong tao.

“Skin matters, okey. I’m sorry, kung nawi-weird kayo sa taste ko, it’s my taste. Ako tinanong niyo, eh. Kung gusto, ko paninindigan ko.

“At para ‘wag magalit sa akin, para fair, patas, Trillanes, jojowain na rin. Para fair. Kasi natakot doon sa isa, baka ano, so sige na nga, ano, maganda rin kutis niya. So, kayang jowain. Para wala tayong ano dito. All colors of the rainbow, why not, basta ang importante makinis.”

“And he’s intellectually sound,” hirit ni Bimby.

“Yeah, oo,” pagsang-ayon ni Kris.

***

Piolo number one sa puso ni Tetay

Anyway, sa huli, namili rin si Kris sa mga nabanggit kung sino talaga ang type niya.

“Pero among everybody, kung magra-rank tayo, isa lang puwede, ‘Hi Papa P.’ Lahat sila tsupi-tsupi. Hahahaha!

“Pero, tanggalin si Papa P in the equation, ang natitira, sino ang pipiliin ko doon? Kasi, mang-aagaw itong mga ito, eh…” pabitin na saad ni Kris.

“HB?” suhestiyon ni Kris, na obyus nga na si Herbert Bautista.

“No! Hindi, ano na… doon na ako sa ano, pag-iisipan ko ‘yan, to follow ‘yan. Makatotohanan lang ako, hindi ako nagsisinungaling, at wala akong inatrasan, lahat sinagot ko.”

Sa huli nilinaw ni Kris na pantasya lang ito, at laro-laro lang. at nagbigay siya ng payo na mag-ingat sa pagpili ng ‘jojowain at totropahin’.

Well…

Leave A Reply

Your email address will not be published.