Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vico binira ‘dilawan’ sa fake news

0 26

Itinanggi ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang paratang ng “Dilawan groups” sa kanyang sinabi dati sa Facebook post na nagbigay ng negatibong komento endorsement ng presidential bid ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Paliwanag ni Sotto. hindi presidential elections ang topic na kung saan nagamit ang kanyang da­ting sinabi.

“Misquoted ng ibang dilawan group para sumakto sa naratibo nila… kaso lang, naniwala ang iilang supporters,” ayon kay Sotto.

Ayon pa sa alkalde, na-edit ang kanyang post base sa administrator ng Facebook page at binura ang pangalan ng presidente.

Dahil sa insidente, nanawagan si Sotto na huwag maniwala sa “fake news” na posibleng gamitin ngayong parating na national election.

Nilinaw pa ni Sotto na welcome sa Pasig ang lahat ng political parties. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.