Una sa Balita

Vickie Rushton imbiyerna sa PAL

0 705

Nanawagan sa isang airline company ang magkasintahang Jason Abalos at Vickie Rushton kaugnay sa tila pambabalewala sa kanilang reklamo na tugunan ang pagkakasira ng kanilang bagahe.

Magkasabay na nag-post sina Jason at Vickie ng larawan ng red luggage nila na may yupi sa gilid. Ang nasabing bagahe ay pag-aari ni Vickie na na-damage habang nasa pag-iingat ng naturang airline nu’ng magbiyahe ang magkasintahan sa Japan para dumalo sa kasal ng kaibigan nilang si Vhong Navarro.

Base sa caption nina Jason at Vickie, nu’ng huling araw pa ng November nasira ang bagahe at nai-report na, pero maraming beses nang gumawa ng paraan ang dalawa na kontakin ang management ng airline company pero hindi nila ito makontak.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkaproblema si Vickie sa bagahe niya.

Nawala naman ang kanyang maleta sa parehong inirereklamong kompanya.

Sabi ni Jason, ayaw na sana niyang paabutin ito sa social media pero wala silang makuhang aksyon mula sa kinauukulan.

Saad pang tanong ni Jason sa caption, “kung sila raw ang manira ng facility sa loob ng eroplano, ano ang mararamdaman ng mga ito?”

Binili ang luggage at iningatan, ayon kay Jason, kaya gusto nilang kausapin sila ng airline company.

Heto nga ang IG post ni Vickie na kung saan ay pinangalanan na niya ang naturang airline na inirereklamo niya:

“Hi @flypal! Ano na?

“Sabi niyo within 7 days mag-email kayo. Nov. 30 pa to nangyari, Dec 8 na ngayon. Last month nawala rin luggage ko, ngayon ganito. Naka-FRAGILE pa ‘yan ha? Kaya pala last na naman lumabas luggage ko kasi ganito nangyari. Ilang beses na tinawagan ang number niyo pati ang dalawang number na bago niyo binigay (humingi ako ng ibang number kasi last month nung nawala luggage ko never sila sumagot, wala may nag-assist). Nag-message na ako sa Facebook (kasi mas mabilis sila sumagot doon) saka palang ifoforward concern ko sa office. Ngayon tawag kami nang tawag, wala pa rin. Please do something!!! Wag puro ‘we apologize’. Haaay!” (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More