Una sa Balita

Vickie mabigat ang responsibilidad sa pamilya

By
0 3,398

Walang taping si Jason Abalos sa March 18 para sa The One The Got Away ng GMA 7 kaya kinumpirma niya na pupunta siya sa coronation night ng 55th Bb. Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum bilang suporta sa kanyang girlfriend, ang former PBB housemate na si Vickie Rushton, ang candidate number 1.

Kasama ni Jason sa panonood ang nanay ni Vickie na nawalan ng paningin, walong taon na ang nakararaan.

Si Vickie na ang tumatayo na ama ng kanilang tahanan dahil bukod sa bulag ang nanay niya, mentally-challenged ang kanyang 27-year-old brother. Isa lang ang kapatid ni Vickie at nasa ibang bansa naman ang British father niya na matagal nang hiwalay sa kanyang ina.

Kahit mabigat ang mga responsibilidad ni Vickie, hindi natakot si Jason na mahalin ang girlfriend niya.

“Mas minahal ko ang pamilya nila. Makikita mo ‘yung love sa pamilya nila, mapi-feel mo.

“Kahit sino ang magpunta sa bahay nila, mararamdaman ang pagmamahal, lalo na ‘yung kuya niya na special. Sobrang walang alam kundi love lang. Kapag may nagsisigawan sa labas, akala niya may nag-aaway. Umiiyak siya. Ayaw niya ng gulo.”

Gustong-gusto ni Jason na manalo sa Bb. Pilipinas 2018 si Vickie dahil sa advocacy nito para sa disabled persons at para magkaroon ng reward ang pag-aalaga at pagmamahal ng kanyang girlfriend sa ina at kapatid.

Relasyon ni Jason kay Vickie nanganganib sa korona

Ang i-enjoy ang pagsali sa Bb. Pilipinas 2018 ang nag-iisang payo ni Jason kay Vickie na hindi baguhan sa pagsali sa mga beauty contest dahil siya ang nanalo na Mutya ng Pilipinas noong 2011.

Si Jason ang nagkumbinsi kay Vickie na sumali sa Bb. Pilipinas 2018 dahil gusto niya na magkaroon ng fulfillment ang pagkatao ng kanyang girlfriend.

“Gusto ko, kapag ikinasal kami, hindi niya ako sasabihan ng ‘Kasi, pinakasalan mo agad ako. Tuloy, hindi ko nagawa ito, hindi ko nagawa ‘yan.’

“Ako at ang mommy niya ang nag-push sa kanya na sumali, dati pa. Two years ago pa, sinabi ko sa kanya, su­mali ka sa Bb. Pilipinas para may magawa ka. Para maging proud ka sa sarili mo.

“Noong 2011, sumali siya sa Mutya ng Pilipinas, nanalo siya eh hindi siya lumaban sa national kasi nag-aaral pa siya. Saka nakakapagod daw.

“Siguro noong nakaraang taon, naihanda niya ang sarili mentally. Sabi ko sa kanya, i-enjoy lang niya ang experience. Sabi ko, ‘wag mong isipin ang kahit anong korona na makukuha mo diyan. I-enjoy mo lang.

“Gusto ko lang mangyari sa kanya, ma-develop ang personality niya kasi medyo mahiyain si Vickie. Feeling ko, after nito, makuha niya ‘yung experience, magkaroon siya ng confidence kahit papaano,” ang kuwento ni Jason na hindi natatakot na baka magkaroon ng mga pagbabago sa relasyon nila ni Vickie kung sakaling mapanalunan nito ang isa sa anim na beauty title ng Bb. Pilipinas.

“Kung anuman ang mangyari, itinakda ‘yan ng Diyos. Handa ka kahit saan. Basta sa ngayon, ini-enjoy namin ang company ng isa’t isa. Wala tayong dapat ikatakot kung sinuman ang ibigay sa inyo.”