Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vice, Vhong ginamit ‘Kapuso’, mga fan nabuwisit

0 280

Nabuhay na naman ang word war ng mga netizen na solid Kapuso at solid Kapamilya.

Ito ay matapos ang guesting nina Vice Ganda at Vhong Navarro sa ASAP kunsaan, unang napanood na sa TV5 noong Linggo.

Dahil sa suot ni Vice na hugis puso at binanggit nito na natatawa na “Kapuso… mga Kapatid, mahal namin kayo.” Sinundutan pa ni Vhong ng “two plus five equals puso.”

Ilan sa mga nabasa naming comments, “Bakit palagi nila ginagamit ang Kapuso network?? Why? Just to gain more viewer? Or making fun ? Wala namang ginagawa ang GMA sa kanila…”

“Pabida na naman.”

“In fairness naman sa GMA parang wala talaga silang pake sa kabilang channel. They even let their artists go pag feeling nila ‘di naman deserve. Sila yung parang okay kung gusto nyo sa amin, gora. Kung ayaw naman, eh di fine. Ganun yung vibe na nakukuha ko. Hahaha. No comment nga sila sa mga issues ng ibang mga networks.”

May mga nakaalala naman na diumano, nabanggit daw ni Vice noon sa GGV nang mag-guest si Alex na kesyo wala naman daw nanonood sa TV5, kaya may ilang netizens na nag-comment na parang kinain daw ni Vice ang sinabi nito.

Sa isang banda, may ilang netizens din naman ang nag-comment na ‘di dapat bigyan ng negatibong meaning ang hirit ni Vice. Kung titingnan nga raw, positive ito at tila ipinapahiwatig na dapat, magkaisa na lang ang lahat ng networks.

***

Aiko hindi pa kayang patawarin si Candy

Kaya pala nang mag-vlog si Carmina Villarroel tungkol sa kanilang magbi-bffs, wala si Aiko Melendez, silang tatlo lang nina Candy Pangilinan at Janice de Belen.

Hindi si Carmina ang may problema kay Aiko. Sina Aiko at Candy ang may isyu sa isa’t isa.

Si Aiko ang nagsalita sa interview nila ni Ogie Diaz. Hindi in-elaborate ni Aiko ang dahilan ng pag-aaway nila. Pero sa mga naging pahayag nito, lumalabas na si Candy ang may nagawang mali o dahilan para magkaaway sila.

Ang tagal na nilang magkaibigan. At para magkagalit ng ganito ang dalawa o sabi nga ni Aiko, nagri-reach-out naman daw si Candy, pero sa sobrang sakit daw nang ginawa nito maging sa boyfriend na si Vice Governor Jay Khonghun, hindi pa raw niya kaya.

Nag-iwan naman si Aiko ng salitang mahal niya si Candy bilang kaibigan. Kaya tingin namin, hindi nito sinasara ang anumang posibilidad na isang araw, magkakabati at magkakaayos din sila.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.