Una sa Balita

Vice tuloy ang ligaya kay Calvin

0 1,005

Kahit anong paliwanag ni Calvin Abueva tungkol sa babae na pinost niya sa kanyang Instagram account, ayaw pa rin siyang tantanan ng pambabatikos mula sa mga fan ni Vice Ganda.

Kahit na nga sinabi ni Calvin na, “Alam niyo si Vice totoong kaibigan, ang asawa asawa talaga wala ako pakealam kung bash nyo ako oh support kayo, kame ni Vice true friend ang tu­ring ko sa kanya hindi na siya iba sakin,” ayaw pa rin tigilan ng mga fan na galit na galit sa kanya.

Ramdam na ramdam mo nga ang galit ng mga fan kay Calvin. Tinawag nga siyang ‘manloloko’, ‘pa-fall’ at kung ano-ano pang mabibigat na sali­ta ang binitawan ng mga fan kay Calvin.

Sabi nga ng mga fan, may asawa na raw pala si Calvin, pero bakit hinayaan pang magkaroon ng attachment sa kanilang ‘Meme’ Vice. May nalalaman pa raw na pa-adobo, eh sa bandang huli ay hindi naman pala siya ang magpapasaya habambuhay kay Vice.

Isa pang mabigat na sinabi kay Calvin ay baka raw gusto lang magpasikat o gusto lamang umano mamera nito kaya dumikit kay Vice. Grabe ang harsh comments! Pero hindi naman nawalan ng mga supporter ang basketbolista dahil mayroon pa ring ginagalang ang personal na pamumuhay ng basketbolista at pinagtanggol ito. “Respeto naman guys!” ang hiling ng ilang mga fan na pilit iniibsan ang gulong nangyayari sa comment section.

Laking gulat naman ng mga fan na magkasama pa rin sina Vice at Calvin sa bar kahit na may ganoong nangyari. Pero pa­nay parin ang himutok ng mga fan lalo na nang sabihin ni Calvin kay Vice na “na-miss kita” sa Instagram story na pinost ni Vice.

Magkasama nga sila sa bar, at bongga ang palitan nila ng chika, ha!
“Anong ginagawa mo? Ang tapang!” sabi ni Vice kay Calvin.

“Wala lang, na-miss lang kita!” sagot ni Calvin.

“Hindi kita na-miss!” pa-cute na sabi naman ni Vice.

Well, tuloy nga ang ligaya sa kanilang dalawa. At ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga fan nila? Mawawalan na ba ng gana sa kanila, o tuloy pa rin ang suporta sa kanila? (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy