Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vice, Toni pinagsasabong ng mga dilawan, DDS

0 90

Meron na ngang siguradong iboboto or ewan kung ie-endorso ba ni Vice Ganda na kandidato sa pagka-Senator, ito ay walang iba kung hindi si Chel Diokno.

Hindi pa nakuntento si Vice nang i-retweet ang post ni Diokno na tatakbo nga raw ito sa pagka-Senator, nag-tweet pa si Vice in all bold letters na, “Chel Diokno for Senator.”

Sa mga comment, tinatawag na “woke” na si Vice dahil tila na-identify ito dati na diuamano’y naging supporter ng Pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte.

Marami ang natutuwa, except siguro ang mga DDS o supporters naman nga ng Presidente sa pagbabago na raw ng choice ni Vice sa pulitika at sa pagiging vocal nito about his choice of Senator.

May mga nagkumpara rin kay Vice at kay Toni Gonzaga na hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin dahil daw sa pagiging loyalist nito at pagbibigay ng platform sa YouTube niya sa dating Senator Bongbong Marcos.

Sey ng isang netizen regarding Vice and Toni, “Buti pa ikaw may character development. Samantalang si Celestine wala pa ring pakielam hanggang ngayon. So much for being a Christian hypocrite.”

Hala… (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.