Una sa Balita

Vice todo suporta sa kabaklaan ni Awra

0 580

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyKunsintidora at bi­gay-hilig pa si Vice Ganda sa anak-anakan niyang beki na si Awra Briguela.

Hindi lang isinama kundi binihisan pa ni Vice si Awra sa nakaraang Mega Equality Ball.

Makikita sa posting ni Awra ang larawan nila ni Vice sa nakaraang celebrity event na nakatodo ng outfit.

Si Vice na naka-black sleeves cocktail mini-dress at mahabang blonde hair, samantalang naka-butter yellow top oversize naman si Awra at gold leggings na ti­nernunahan niya ng gold hair.

Sa caption, pinasa­lamatan nang bonggang-bongga ni Awra si Vice sa pagsama sa kanya sa Mega E at ang pag-aayos ng look nito sa party.

Sey ng baklitang Kapamilya artist, “That you so much sa pagsama mo saken sa ‘House of Ganda’ sobrang saya ko na makasama ulet kita at maka-bonding!! I love you so much! My lovely Muderr! MWWWUAAA!”

Hindi ito ang mi­minsang nagbigay-hilig si Vice sa kabadingan ni Awra, mara­ming mga girly stuff na ibinigay ang “It’s Showtime” frontliner sa nasabing alaga.

Isinama pa niya ito sa pelikula nila ni Coco Martin na ipinalabas sa Metro Manila Film Festival.

Tamang-tama naman ang pagsama ni Vice kay Awra sa Mega E, dahil pakikibahagi ito sa Pride Month ngayong June.

Concert ni Anton puno ng drama

Siguradong mapupuno ng sentimental moments ang unang major concert ni Anton Diva, na “Shine” ngayong gabi, June 15, sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Sa rehearsal pa lang kamakailan, nasaksihan na namin ang ilang beses na pagiging emotional ni Anton sa ilang mga segment ng show.

Sa panayam ng “Aban­telliling” kay Anton noong nakaraang Martes, sinabi nitong hindi siya halos makapaniwalang matutupad ang dating pangarap lang niyang makapag-concert sa mala­king venue.

May isang segment sa rehearsal na makaka-relate si Regine Velasquez-Alcasid (na siyang ginagaya ni Anton at kaya siya nakilala sa entertainment industry).

Nangyari na ito sa isa sa mga show niya at siguradong may mami-miss siya kapag napanood niya ito.

Sa concert na ito masusubok ang katatagan ng birit talent ni Anton lalo’t marami siyang mga kanta na makalaglag-lalamunan sa taas.

Bukod kay Regine, special guest rin si Vice Ganda, Raging Divas, Pepper Divas, Jewel Johnson, Mitch Montecarlo, Miss Q&A 2018 at marami pang iba.

Ang nasabing concert ay dinirehe ni Peter Serrano at produce ni Teri Onor sa ilalim ng kanyang Toes Production.

Nililinaw ni Teri na si Anton talaga ang nag-iisa at original choice niya na unang ipu-produce na concert. Isusunod sana niya si Chokoleit pero binawian na ng buhay noong mga nakaraang buwan ang komedyante.

Ice Seguerra isinugod sa ospital

Isinugod sa emergency sa isang hospital si Ice Seguerra dulot ng matinding pananakit ng tiyan.

Nakaposte sa Facebook account ng misis niyang si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra ang selfie photo nila ni Ice na nasa ER pa.

Habang sapo-sapo ni Aiza ang kanyang tiyan at namimilipit pa sa sakit, nakangiti naman sa lara­wan si Liza.

Naaliw si Liza sa sitwasyon ng kanyang asawa dahil ang naiisip niyang pinagmulan ng sakit ng tiyan nito ay ang katakawan ng huli.

Bago pa sumakit ang tiyan ni Ice, nakaposte sa Instagram wall ni Liza ang mga seafood na halos maubos na sa kanilang mesa.

Nag-pan ang camera kay Ice na sumusubo pa ng pagkain.

Sey ni Liza sa caption, mukhang ginanahan si Ice sa mga niluto niya.

Ito marahil ang na­ging sanhi ng pananakit ng sikmura nito kaya isinugod ito sa ospital.

Bagama’t nag-aalala sa kalagayan ni Ice, parang tinutukso pa niya ang asawa sa katakawan nito.

Desiree markado sa mga bading

Hindi alam ni Ms. Desiree Verdadero-Abesamis kung may plano pa si Vickie Rushton na sumali pang muli sa susunod na Bb. Pilipinas next year matapos itong matalo sa nakaraang coronation night sa taong ito ng pageant.

Pero hinihikayat niya hindi lang si Vickie kundi maging ang iba pang thank you candidates na lumahok ulit sa parehong pageant.

Markado sa mga beki at pageantry world sa ‘Pinas si Desiree dahil nakuha niya ang 3rd award position sa Miss Universe 1984.

Iconic ang pagkakapuwesto ni Desiree sa Miss U 1984 hindi lang sa kanyang beauty kundi sa poise, swimsuit at long gown nito.

Kuwento ni Ms. Desiree, dalawang beses rin siyang sumali sa Bb. Pilipinas. Ang una ay naging first runner-up siya nu’ng 1982 at ang ikalawa naman ay naging Bb. Pilipinas-Universe na siya.

Sa kanya namang anak na si Aya Abesamis na 1st runner-up noong nakaraang coronation night sa Bb. Pilipinas 2019, hindi na ito sasali pang muli.

Bukod sa 27 years old na ang kanyang dalaga, may iba pa itong gustong ma-achieve sa kanyang karera bilang modelo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy