Una sa Balita

Vice tawang-tawa sa sapak ni Pia

By
0 12

Pinatotohanan ni Vice Ganda ang kuwento ni Direk Joyce Bernal sa akting ni Pia Wurtzbach.

“Katulad nga ng sabi ni Direk Joyce, wala siya sa timing.Meron siyang sari­ling timing na ‘yung kawalan niya sa timing, that itself is comedy.

“Kunwari, may ibabato ako, iba ‘yung dating. Kung swak na swak ang timing niya sa timing ko, parang ang boring. ‘Di ba, sabi nga perfection is boring.

“Maganda ‘yung me­ron kaming hindi masya­dong swak na nakakaaliw. Katulad nu’ng wala sa timing na sapak sa mukha ko na tawang-tawa kami. Maganda, natural kasi si Pia.

“Unang-una, masayahin siya na tao at saka napapaligiran siya ng mga bakla kaya comedy din ang life niya. Kumbaga, immersed na siya bago dumating sa set,” ang pag-ayon ni Vice sa sinabi ni Joyce na walang timing si Pia.

Coco at Vice walang comparison

Ipinakita ni Vice Ganda ang humility sa komento na ang Ang Panday ni Coco Martin at ang The Revenger Squad ang maglalaban sa number one slot ng 43rd edition ng Metro Manila Film Festival.

“Ang sama ng ugali­ natin. Hindi talaga natin isinali ‘yung ibang pelikula,” ang mabilis na sagot ni Vice na naniniwala na magtatrabaho rin ang producer at mga artista ng ibang official entries para kumita ang kanilang mga pelikula.

“Lahat kami, actually, gusto namin ma-experience­ ‘yon,” ani Vice na hindi rin in-encourage ang pilit na pagkukumpara sa mga filmfest entry nila ni Coco.

“OA ‘yon. Walang comparison, para siyang mansanas at lansones. Magkaibang-magkaiba talaga.

“Nagsusuportahan kami ni Coco, unang-una magkakaibigan kami at pangalawa, parehong Star Cinema ito, nasa isang kompanya kami.

“‘Yung Panday, walang pretense na comedy, it’s an adventure movie. ‘Yung Revenger, all-out comedy kaya wala talagang comparison,” ang pahayag ni Vice na nanindigan na wala silang gap ni Coco.