Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vice saludo sa serbisyo ng Dos

0 297

Pinuri ni Vice Ganda ang desisyon ng ABS-CBN na tulungan ang gobyerno sa distance learning ngayong pasukan sa pagpapagamit nito sa kanilang transmission network para makapag-ere ng educational programs sa bansa.

“Saludo! Serbisyong di matatawaran! ” sabi ni Vice sa kanyang Instagram kung saan ipinapakita ang statement ng ABS-CBN.

Bongga ha, kahit hindi binigyan ng franchise ang ABS-CBN, talagang willing pa rin silang makipagtulungan sa gobyerno. Pinapakita lang nito ang kagustuhan nilang makapaglingkod sa bayan kahit walang kapalit.

Bukod sa transmission network ng Dos, pinahihintulutan din nila gamitin ang mga nagawa nilang educational programs sa loob ng 20 years gaya ng “Sine’Skwela,” “Math-Tinik,” at “Bayani.”

Thank you ABS-CBN! For sure malaki ang maitutulong nito sa mga estudyante ngayong pasukan. Sigaw tuloy ng netizens, sana maisip ng gobyerno na ibalik na ang prangkisa dahil kitang-kita naman ang laki ng naitutulong ng ABS-CBN sa bansa. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.