Una sa Balita

Vice, Regine, James, Moira, Billy mangunguna sa ‘Summer is Love’

0 314

Lalo pang magiging maliwanag­ at puno ng buhay at pagmamahal ang tag-init sa Pili­pinas sa pagsasama ng OPM superstars na sina Vice Ganda, James Reid, Moira Dela Torre, Billy Crawford, at Regine Velasquez-Alcasid sa pag-awit ng 2019 ABS-CBN Summer Station ID na “Summer is Love.”

Mapapanood na ngayong Linggo (Abril 21) ang recording lyric video tampok ang limang Kapamilya artist­ sa pilot episode ng pinakabago at pinakahihintay na talent reality show sa ABS-CBN na “Search for the Idol Philippines” (Idol Philippines).

Tulad ng patok na ABS-CBN Christmas campaigns na “Just Love” at “Family is Love,” mensahe rin ng “Summer is Love” ang pagmamahalan at pagkakaisa ng mga Pilipino na nagpapasaya at nagpapasarap sa buhay sa panahon man ng tagumpay o ng pagsubok.

Sina Yumi Lacsamana at Thyro Alfaro ang lumikha ng musika ng “Summer is Love” at ilang rap lyrics nito. Samantala, sina Robert Laba­yen at Lloyd Oliver Corpuz naman ang nagsulat ng mga salita sa kanta.

Abangan ang unang pagpapalabas ng “Summer is Love” recording lyric video ngayong Pasko ng Pagkabuhay sa Linggo (Abril 21) na mapapanood rin sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. I-like at i-share ang video at mag-post gamit ang hashtag na #SummerIsLove.

Ang “Summer is Love” ay produksyon ng ABS-CBN Creative Communications Management, na nanalo kamakailan lang ng Gold World Medal sa 2019 New York Festivals. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy