Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vice nanghina nang makahawak ng boobs

0 68

Umaming nakahawak na ng boobs at jutong ng babae si Vice Ganda.

Sa tsikahan nila ni Ogie Diaz sa ‘The Vice Ganda Network’ naging topic nila ang ‘Usapang Jugjugan, Part 1’.

Kuwento ni Vice nagkaroon siya ng ilang mga girlfriend para lang kontrolin ang pagiging bading niya.

At doon nga raw nangyari ang unang karanasan niyang makahawak ng suso at utong, noong manood sila ng ex-girlfriend niya ng pelikula.

Sa pagkakaakbay ni Vice sa babae, nagparamdam ng sexual desire ang babae. Inabot daw nito ang kamay niya mula sa balikat ng babae at nilagay sa kanyang dibdib.

Nang maramdaman daw ni Vice na tumatayo ang utong ng babae, nanghina raw siya sa matinding nerbiyos.

Matapos ang eksena, hindi na nagpakita pa si Vice sa babae. At doon nakumpirma ni Vice na hindi talaga babae ang kanyang sexual preference. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.