Una sa Balita

Vice nagwala nang malamang hindi siya mahal ni Ion Perez

0 429

Sinungaling ka! Wawasakin kita!

Bentang-benta sa Gandang Gabi Vice ang segment na ‘KuryenTanong’ na kung saan ay may ginagamit silang mala-machine/laruan na ipapatong mo ang kamay mo, at sasagot ka sa tanong.

Kapag nakuryente ka, ang ibig sabihin daw noon ay nagsisinungaling ka. Kapag hindi ka nakur-yente, tama, o nagsasabi ka ng totoo.

Sa dressing room ng Showtime nga ay ginawa ‘yon ni Vice. At isa nga sa kinulit niyang sumalang ay ang dyowa niyang si Ion Perez.

Napanood namin ang ilang portion, na kung saan ay tinanong ni Vice si Ion kung ‘daks’ ba ito, na siyempre ay ‘oo’ ang sagot ng binata, pero nakuryente siya. Meaning, hindi sya daks, at nagsisinungaling siya.

Pero, ang pinaka-finale na tanong ni Vice na nagwala talaga siya sa natuklasan niya ay ang ‘‘Mahal mo ba ako?’ na ang sagot nga ni Ion ay ‘oo’.
Ilang Segundo na hindi huminga ang lahat ng mga kasama ni Vice sa resulta ng machine/laruan, pero ang resulta nga ay, nakur-yente si Ion.

At dahil doon, nagwala, pabiro si-yempre, si Vice.

“Wawasakin ko yan! Hindi yan totoo! Hahahahaha!” natatawang sabi ni Vice. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy