Vice-mayor sabit sa graft

By

Kinasuhan ng Office of the Ombudsman ng paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices ang Vice Mayor ng Tanjay City, Negros Oriental kaugnay ng maano­malyang pagbili ng construction materials noong 2011 nang ito ay alkalde pa ng lalawigan.

Bukod kay Vice Ma­yor Lawrence Teves, kasama din sa kinasuhan si dating Liga ng Barangay president Denver Bokingkito, ­Sangguniang Kabataan Federation pre­sident Mar Francis Saguran at general services officer Bogard Colina.

Sa reklamo ng Ombudsman, sinabi nito na naestablisa na nagsabwat an ang mga nabanggit na opisyal sa pagbili ng P281,000 halaga ng construction materials sa Megatrend Enterprises para sa pagkumpuni ng covered canals sa Barangays 5 at 6 sa Tanjay City, lumitaw na hindi nagkaroon ng public bidding sa proyekto at wala ding resolusyon mula sa Bids and Awards Committee.

Nasa P30,000 ang inirekomendang piyansa ng Ombudsman sa kaso.

Matatandaan na si Teves ay una na ding pina­tawan ng siyam na buwang suspensyon ng Ombudsman dahil sa kasong simple misconduct.

SHARE