Una sa Balita

Vice Mayor sa Batangas kinasuhan ng katiwalian sa Ombudsman

0 594

PANIBAGONG kasong graft at grave misconduct ang isinampa laban kay San Pascual, Batangas Vice Mayor Antonio Dimayuga at pitong iba pa sa Office of the Ombudsman.

Kaugnay ito sa pagpayag ni Dimayuga na noon ay alkalde ng San Pascual, ang kanyang Vice Mayor na si Davis Gregory Fider at anim pa na konsehal na sina Mara Cassandra Fernandez, Efren Reyes, Norman Dimatactac, Moises Chavez, at Reyshanne Joy Marquez.

Ito’y kaugnay sa umano’y pagpayag na pagpapatayo at pag-ope­rate ng Water Supply Distribution System ng munisipalidad sa isang pinaborang kompanya nang hindi dumadaan sa public bidding.

Sa 11-pahinang reklamong isi­nampa ni Sangguniang Ba­yan (SB) Board Member Rolando Tamayo, sinabi niyang nilabag nina Dimayuga ang Section 3 ng Republic Act 3019 o ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, kung saan inendorso ng bise alkalde, na noo’y alkalde ng bayan, na kuhanin ang proyekto sa ilalim ng kompanyang Aquadata Inc., kahit ‘di dumaan sa bidding.

Hiniling pa ni Tamayo sa Ombudsman na patawan ng preventive suspension sina Dimayuga, kasama ang iba pang kinasuhan na sina SB members Maria Brenda Dimayuga, asawa ng bise alkalde; Davis Gregory Fider; Mara Cassandra Fernandez; Efren Reyes; Norman Dimatactac; Moi­ses Chavez at Reyshanne Joy Marquez.

“The San Pascual Water Supply and Distribution System, was an LGU infrastructure project that should have undergone competitive public bidding or any of the recognized modes of Public-Private Partnership (PPP) such as Build-Operate-Transfer (BOT), Build-Lease-Transfer (BLT), Build-Own-Ope­rate (BOO), Concession Agreement, Joint Venture and o­thers,” sinabi ni Tamayo sa kanyang reklamo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy