Una sa Balita

Vice Mayor Paolo Duterte, nang-‘arbor’ ng drug suspect

By
0 8

Ibinuking din ni retired SPO3 Arturo Lascañas sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na may ‘inarbor’ na drug suspect ang presidential son na si Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Zimmerman Duterte.

Ayon kay Lascañas, naganap ito noong taong 2014 kung saan inoperate ang pagsabat sa sinakyang van ng negosyanteng si Charlie Tan dahil sa hinalang may dalai tong shabu.

Iniutos umano sa kanya ni Pulong (Paolo Duterte) na escortan ang sinasakyan ni Tan patungo sa isang barangay hall sakaling makumpirmang positibo ito sa pagdadala ng illegal na droga.

Pero nang dumating umano ang van na sinasakyan ni Charlie Tan, naduwag umano si Pulong at sinabing ‘wag nang ituloy ang kanyang utos.

Sa paniwala ni Lascañas, inarbor ni Pulong si Tan kaya  hindi itinuloy ang pag-aresto sa negosyante.

Dito rin umano nag-umpisa ang kanyang pagdududa kung seryoso ang anti-illegal drug campaign ng mga Duterte.