Una sa Balita

Vice mayor ng Ilocos Norte kakasuhan sa pagbabanta

0 161

NAKATAKDANG kasuhan ng dating barangay chairman ng Dingar, Ilocos Norte ang vice mayor ng nasabing bayan na umanoy binantaan ng una na susunugin ng buhay.

Ayon sa Dingas Police Statio (DPS), sinabi ni dating barangay chairman Eulojio Calucag na tinawagan siya sa mobile phone ni Dingas Vice Mayor Jeoffrey Saguid at umano’y pinagmumura at pinagbantaan na susunugin ng buhay matapos may nagsumbong dito na pinagmumura niya ang kanyang mga supporter sa kanilang barangay.

Sinabi pa ni Calucag na kinagabihan matapos ang insidente ay may isang nakamotorsiklo umano na pumunta at nambato sa kanilang bahay.

Nakatakdang isampa ang kaso sa korte laban sa nasabing bise alkalde.

Samantala, tinangkang hingan ng pahayag ang bise alkalde na si Saguid subalit hindi ito matawagan sa kanyang cellphone. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy