Una sa Balita

Vice at Kris may civil war?

By
Kris Aquino at Vice Ganda
0 8

Hindi nga raw kapalaran ni Vice Ganda ang na­ging kapalaran ni Ai Ai delas Alas. Ito ay kung tungkol sa friendship with Kris Aquino na may kinalaman sa ex-husband nitong si James Yap.

Kung matatandaan, ang isa sa naging dahilan kung bakit na-lost in space ang friendship noon ng Comedy Queen at ­Horror Queen ay dahil sa friendship nina Ai Ai at James.

Kaya, marami talaga ang nag-aakalang ito rin ang nangyari ­kina Kris at Vice, lalo na at nakipag-partner si Vice sa District 8 bar with James and many others. Lalo na nga at wala na ring nakikitang posts kay Kris o Vice na sila ay magkasama, unlike before.

Pero, si Tetay na mismo ang bumasag ng katahimikan kung saan sinabi niyang intact pa rin ang friendship nila ni Vice.

‘Asawa’ pa rin daw ang tawag niya rito at wala namang nabago sa kanilang pagiging mag-bestfriends. Sobrang wala nga lang daw silang panahon ngayon para mag-chummy chummy, but it doesn’t mean na may civil war sa pagitan nilang dalawa.

Ipinagpaalam naman daw sa kanya ni Vice ang pakikipag-business partner with James, kaya hindi ito big deal. Ang big deal ­para kay Tetay ay ang mga ginawa ni Vice para sa kanilang dalawa ni Bimby na mahirap daw niyang makalimutan.

Solenn ginamit ang mahihirap

solenn-heussaff
Solenn Heussaff

Solenn Heussaff joins the ranks ng mga celebrities na mahilig, at ma­galing, magpintor. We can name a few like sina Richard Gomez, Joey de Leon, Heart Evangelista, ang ‘magdyowang’ Julia Barretto at Joshua Garcia, and now ang sosyalerang si Solenn.

Pero, ang nakakatuwa sa 2nd art gallery ni Solenn ay ang collaboration ng kanyang 3-year old na pamangkin, si Kaeden. Hindi nga raw niya matatapos ang mga paintings kung hindi tumulong ang kanyang pamangkin na siyang pumipili ng kulay, ginagamit niyang brush at canvasses.

Kahit nga raw nakatira ito sa Singapore, hindi natigil ang kanilang kuntsabahan para sa isang art gallery na punompuno ng emosyon. Kakalokah nga dahil sa kabila ng yayamaning upbringing ng da­lawa, ang naging subjects ng kanilang pagpipinta ay tungkol sa kahirapan at kalungkutan ng buhay.

Pero, ang tanong ng karamihan ay, “What does she know about poverty? E buhay-mayaman na ­siya sa simula’t simula pa lang?”

Eh, bakit naman?

Porke ba mayaman, wala nang puso sa paghihirap ng masang Filipino?