Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vice, Ion sagad ang landian sa IG

0 11

Sa gitna nang tila walang katapusang problema dulot ng virus, nagpasabog naman ng “love” at “good vibes” si Vice Ganda sa kanyang mga fan.

Pero, may kasama ring pang-iinggit sa mga follower ni si Vice na ipinagmalaki ang estado ng kanyang lovelife kay Ion Perez.

Sunud-sunod nga ang postni Vice ng mga photo, video nila ni Ion.

May parang pictorial sa fashion magazine. Merong magkadikit ang kanilang mga mukha sa video. At nandiyan ang mahigpit nilang yakapan.

Kilig-kiligan ang drama ni Vice sa IG post na ito, at napapatili pa siya sa sobrang tuwa, kasunod ng pang-iinggit niya sa iba.

“Di nyo kaya!” sabi niya.

As usual, naaliw ang mga netizen kay Vice, na ang iba ay nag-comment ng “sana all”.

Christian bet magpasilip ng nota

Nagbago ang plano ni Christian Bables na limitahan ang pagganap ng mga gay roles dahil bukod sa gumanda ang daloy ng kanilang negosyo sa gitna ng pandemya, naramdaman nitong mahal niya ang acting.

Ngayon kahit may frontal nudity pa, at mas malalang pumping scene sa pelikula, gagawin ni Christian para sa isang magandang project at mahusay na direktor.

Ayon kay Christian nagawa na niya ang mga genre na gusto niya, kaya gusto niyang maging open sa kahit na anong role at eksenang ipagagawa sa kanya.

Kahit nga raw tumanda si Christian, gagawin niya ang mag-frontal nudity para sa isang art film. ‘Yun nga lang ay kung magiging pleasant pa ang itsura nya sa paningin ng mga manonood.

Siyanga pala, isa si Christian sa mga bida sa lalabas na “Bekis on the Run” na mapapanood sa Vivamax.

Kasama sa cast sina Diego Loyzaga, Sean de Guzman, Kylie Verzosa, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Markki naglantad ng talong sa IG

Pinagnasa at ginawang maelya ni Markki Stroem ang kanyang mga follower sa posting niya ng mga larawan sa Instagram. Masisilip sa IG ng aktor na nasa gilid ito ng kalsada at naka-white underwear lang.

Ang eksenang gustong palabasin ni Markki ay nag-aabang siya ng sasakyan na maaangkasan na ng naka-brief lang

Dapat sana’y magiging simple lang ang komento ng mga follower nito sa post, pero dahil hubog na hubog ang malaking talong nito, biglang natakam, nauhaw ang marami.

Mababasa sa mga comment na marami sa mga ito ang nag-zoom ng photo at nag-save na rin.

May mga nagbiro pang sila na ang susundo sa aktor para maiangkas ito.

Bahagi ng pagi-imbita ni Markki sa kanyang mga fan ang underwear post nito ng lalabas niyang project, ang “Love At The End of The World”.

Aiko namudmod ng mga hotdog

Bumida nang husto si Aiko Melendez sa Q.C. sa pinakabagong ayudang pinamahagi niya. Nagpaulan kasi si Aiko ng mga hotdog sa mga residente ng Brgy. Kaligayahan.

Nakaposte sa Instagram ni Aiko ang personal niyang pamamahagi ng mga hotdog sa bawat bahay.

Ang ibang mga politiko ay sardinas, bigas, noodles, ang pinamimigay pero si Aiko ay hotdog.

Aba, malaking tulong ang hotdog sa mga kabataan, no!

Manilyn handa na sa Pasko

Atat na ngang maramdaman ni Manilyn Reynes ang Pasko, dahil nangangahalati pa lang ang buwan ng September, naghahanda na ang 90’s star ng mga Christmas decor niya.

Inilabas na ni Manilyn sa kanyang sala ang mga decor na ilalagay sa buong bahay. Pinakita nga ng seasoned actress na sabik na siya sa darating na Kapaskuhan.

Dedma na si Manilyn sa Halloween na mauuna muna ngayong November, kaysa sa Christmas season.

Leave A Reply

Your email address will not be published.