Una sa Balita

Vice-Ion sa Taiwan ‘magpapaputok’

0 2,817

Grabe as in sobrang grabe ang schedule ng mga taga-“It’s Showtime”, huh! Dahil taped na sila starting today hanggang sa January 1, nag-live sila noong December 26 at kahapon.

After ng December 26 live show nila, nag-taping sila ng two episodes at kahapon naman after nilang mag-live, two episodes ulit ang ginawa nila.

Wala naman silang reklamo dahil bakasyon na sila after.

Today nga ang alis ni Vice Ganda pa-Taiwan. Siyempre, kasama ni Vice si Ion Perez at ang kanyang pamilya, plus some friends.

More or less ay 15 ang kasama sa entourage ni Vice na magbabakasyon sa Taiwan starting today at aabutin na sila ng New Year roon at babalik ng bansa after dahil live na ang “It’s Showtime”.

Sabi ng trusted friend ni Vice na kasama sa trip na ‘yon, treat daw sa kanilang lahat ng TV host/comedian ‘yon.

Palagi namang nagti-treat sa kanyang pamilya at friends si Vice, kaya hindi na rin naman bago ‘yon.

Annabelle Rama isinugod sa ospital

Birthday celebration ng Brazilian/Japanese model/actor na si Fabio Ide the other day at may celebration siya sa Poblacion, Makati City that night. Kabarkada ng grupo ni Ruffa Gutierrez si Fabio at nang tawagan ko ang nanay nina Lorin at Venice, naikuwento niyang paalis na siya sa birthday celebration nito.

Pupunta raw siya sa St. Luke’s BGC (Bonifacio Global City).

“You’re going to your mom (Annabelle Rama), nice naman!” sabi ko.

“Bakit alam mo na nasa ER (emergency room) si Mommy?” tanong sa akin ni Ruffa.

“Nakita siya ni Bianca Lapus (dating aktres na nagma-manage na rin ng mga talent ngayon). Nag-text si Bianca sa akin na nakita niya sa ER ng St. Luke’s BCG ang mom mo.

“Tinawagan ko na nga Mom mo. Nagulat na alam ko na nasa St. Luke’s BGC siya. Tumataas daw kasi ang sugar niya. Marami na naman kasing kinain noong Christmas. Nag-lechon at sweets siya,” sey ko kay Ruffa.

“Going there now. Just waiting for the car. Nakatatlong tawag na si Mommy sa akin. Hindi naman siya tumatawag sa akin before kapag nasa ER siya. Nalalaman ko na lang. Going there to check kung ano na ang nangyayari.

“Kain kasi nang kain si Mommy ng mga bawal sa kanya. I’m worried,” sabi ni Ruffa.

After a while, pinadala sa akin ni Ruffa ang picture ni Tita Annabelle habang naka-dextrose.

“I think she’s ok na. She’s fine na dahil nagkukuwento na. Sinabihan ko nga na huwag na kumain ng mga bawal sa kanya at palagi na lang siyang nae-ER.

“Anyway, kanina raw, nanood siya ng The Mall, The Merrier. Tawa raw siya nang tawa,” kuwento pa ni Ruffa.

As I type this column item, kinumusta ko kay Ruffa ang nanay niya at sinabing, “Thank, God, she’s fine na. Kaninang madaling araw pa lang, ok na si Mommy. Sinabihan ko talaga na maghinay-hinay siya sa mga kinakain niya,” sey ni Ruffa.

Ay, naku, ang dami talagang nagkakasakit kapag Christmas time dahil sa mga kinakain at dahil na rin sa weather, huh! Kaya ingat-ingat!

Nadine ‘di nanghinayang sa paglayas sa ‘Cell’

Dahil maganda ang standing sa box-office ng “Miracle In Cell No. 7” ay may mga nagsasabi tuloy kung hindi raw ba nanghihinayang si Nadine Lustre at nag-back out siya sa pelikulang pinagbibidahan ni Aga Muhlach?

Dapat si Nadine at hindi si Bela Padilla ang kasama ni Aga sa nasabing Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 official movie entry. Pero may reasons naman si Nadine na sa tingin niya ay tama, kaya for sure, hindi naman siya basta-basta manghihinayang, right?!

Well…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More