Una sa Balita

Vice inilantad ang dyowang si James Carne

By
0 5,642

Marami talaga ang interesado sa lovelife ni Vice Ganda, at sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday, marami ang nagulat, natuwa, kinilig, nu’ng ipakilala niya sa lahat kung sino ang kanyang boyfriend!

Pero katatawanan lang ang lahat dahil isang foreigner na studio audienc­e ang kanyang tinutukoy. Dahil sa tikas at kaguwapuhan ng foreigner, talagang hindi napigilan ni Vice na umawra at magpabebe, na nagdala ng tawanan sa studio.

Game na game naman na nakipagbiruan ang foreigner sa mga hirit ni Vice. Kinantahan pa sila ng Your Face Sounds Familiar Kids mentors na sina Jed Madela at Nyoy Volante ng kantang Endless Love habang nagpapalitan ng tingin, na para bang first date nila.

“You’re gonna be there at our wedding, right” say pa ng foreigner kina Jed at Nyoy.

“You’re talking about wedding already. Too soon,” tugon naman ng nag-iinarteng si Vice.

Pero after ng show, mababasa ang komento ng mga fan, na naniniwala sila na ang ipinakilala ni Vice na foreigner ay boyfriend talaga niya.

Agad nga silang nag-research, at siya nga ay si James Carne, isang modelo mula sa Australia, na kasalukuyang nakatira sa Pilipinas.

Nanalo siya noon bilang Man of the World Australia 2017, at Mister Australia International 2017.

Makikita rin sa Instagram wall niya ang photo nila ni Vice Ganda, na may caption pa na, ‘Anong tinitingin-tingin mo sa baby ko?’

“Vice Ganda, sana siya na ang itinakda para sa iyo,” sabi ni @randomgray97.

“This gave me so much kilig,” sey naman ni @rey­na_yourhighness.

Well, abangan na lang natin kung sila nga talaga, at kung magkakalakas talaga ng loob si Vice na tuluyan nang ilantad sa lahat ang karelasyon niya.

Pero bukod sa mga pabebe moment ni Vice, kinabiliban naman ang talento nina Jed at Nyoy sa kantahan. Inamin ng dalawa na magkaiba sila ng style sa pagkanta dahil na rin sa iba nilang ­musical backgrounds.

“Ako very smooth, very easy listening. Talagang malumanay lang,” sabi ni Nyoy.

“Belting talaga, eh.

“Combination ng lahat, ibinubuga mo lahat,” paglalarawan naman ni Jed.

At kahit sa impersonation hindi rin nagpahuli ang dalawa sa paggaya nila sa boses at galaw nina Beyoncé at Jaya.