Una sa Balita

Vice handang malaos, mawalan ng dyowa dahil kay Tutoy

By
0 4,102

Marami ang luhang tumulo sa naging interbyu ni Boy Abunda kay Vice Ganda para sa 7th anniversary ng ‘Gandang Gabi, Vice’ nitong nakaraang Linggo.

Lalo na nang napag-usapan ang tungkol sa kanyang pagiging si Tutoy ng kaniyang pamilya, ay bumuhos talaga­ ang maraming luha maging sa mga mata ng Unkabogable Box-Office Star.

Ayon nga kay Vice, ang sarap-sarap balik-balikan ‘yung pana­hong wala pa siyang pera na kung ano ang kayang ibigay ng kanyang mga magulang ay okey na sa kanya.

‘Yung panahong napaka-simple at mababaw lang ang kanyang kaligayahan na ‘yung maibili lang siya ng sapatos ng kanyang tatay sa Carriedo ay napakalaking bagay na sa kanya.

Ayon pa nga kay Vice, okey lang daw na mawala sa kanya ang karangyaan, career at boyfriend niya ngayon, ‘wag lang daw mawala sa katauhan niya ngayon si Tutoy na siya namang totoong siya.

Namalisbis pa ang mas maraming luha nang lumapit sa kanya ang kanyang balikbayang ina na nasa audience at nagyakapan sila matapos ang pangako ni Vice na kung noon daw ay ang nanay­ niya ang bumibili ng pangangailangan niya, sa ngayon ay siya naman ang tatayong magulang sa kanyang pamilya na siya namang ginagawa niya ngayon.

Bukod sa totoong-dramang ito sa buhay ni Vice, nakakatuwa rin yung road trip nila ni Anne Curtis kung saan ay kumain sila ng kwek-kwek at balot sa tabi-tabi, nakipag-selfie sa men on the street, at ‘yung tsikahan tungkol sa pakikipag-make love sa loob ng sasakyan na hindi raw ginagawa ni Anne, pero si Vice ay aminadong oo.

Bongga, devah?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy