Una sa Balita

Vice Ganda walang pagnanasa kay Calvin Abueva

0 747

abante-anything-goes-jun-lalinMarami pa rin ang hindi kumbinsido sa iniisip ng marami na may relas­yon si Vice Ganda sa PBA player na si Calvin Abueva. Feeling ng iba, talagang close friends lang ang dalawa!

Baka ine-enjoy lang daw ng dalawa ang super friendship nila na pinagdududahan ng marami. Saka knowing Vice naman daw, kahit may mga basketbolista na sinasabing boyfriend niya ay never naman siyang naging ganoon ka-open.

Kahit nga ‘yung tsika noon na may isang UAAP player na nakitang kasama niya sa Hong Kong ay nanatiling tahimik siya, kaya ang feeling nga ng iba, talagang special friends lang sila ni Calvin.

Friendship na walang kasamang pagnanasa. Well…

 

Ruffa ratsada sa taping sa Dos, Siyete

 

Naaliw ako kay Ruffa Gutierrez, Dondon!

Noong Monday kasi ay nag-taping siya para sa Nga­yon at Kailanman nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Noong Sunday na ikinukuwento niya sa akin ang tungkol sa guesting niyang ‘yon, nag-dialogue siya ng,

“Guess what, I’m playing the easiest role in my entire career for Nga­yon at Kailanman taping tomorrow. I’m playing myself. Hahaha! Yes, as in as Ruffa Gutierrez ako sa taping tomorrow. Kunwari may red carpet, and suot ko ang jewelry na gawa ni Julia!”

Noong Tuesday nga, ipinalabas na kaagad ang tinaped ni Ruffa noong Monday.

Natuwa si Ruffa sa mga message sa kanya ng mga JoshLia fan. Masaya raw sila na nag-cameo si Ruffa sa Ngayon at kailanman.

“I’m also happy kasi si Julia ‘yan, remember ang Kokey namin before? Saka me and Marjs (Marjorie Barretto) are classmates before,” sey pa ni Ruffa.

Noong Tuesday habang ipinapalabas ang Ngayon at Kailanman guesting niya ay nasa set ng Daddy’s Gurl si Ruffa.
Para naman sa GMA 7 ‘yon at bida sina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza.

“Isa pang madaling taping. Happy lang,” sabi pa ni Ruffa.

Puwedeng maglagare sa kahit na anong TV network si Ruffa kasi wala naman siyang exclusive contract sa kahit na saan.

 

Raymond sa 2019 pa babalik ng Pinas

 

It’s nice to be back!

Two weeks ko ring sinamahan sa Los Angeles, California si Raymond Gutierrez kung saan ay nag-shoot siya para sa People’s Choice Awards ng E! Asia at may two TV special pa siyang ginagawa roon.

Bago ako umalis, parang decided na si Raymond na bago ang birthday na lang nila ng twin-brother niyang si Richard Gutierrez saka siya babalik sa Pilipinas.

Gusto sana ni Raymond na mag-Christmas dito sa bansa, pero sabi niya, parang doon na lang muna siya.

Tanong naman sa akin ni Richard, kaya raw ba talaga ni Raymond sa L.A. na mag-isa? In fairness, gamay na gamay na ni Raymond ang mag-isa roon dahil kahit ang pagpapa-laundry ay siya na mismo ang gumagawa.

“For sure sa January naman maaabutan ko pa ang Fantastica nina Chard at Vice, kaya baka dito na lang ako mag-Christmas,” sey ni Raymond bago ako umalis ng L.A. noong Tuesday.

Anyway, sa January 21 ay nag-iisip ang twins na magkaroon ng joint birthday celebration pag-uwi ni Raymond ng bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy