Una sa Balita

Vice Ganda umarkila ng lalake nung V-Day

By
0 6,100

Nakakabagot para kay Vice Ganda ang lalaking puro tsika lang sa date. Sabi niya sa kulitan nila ni Anne Curtis sa It’s Showtime, gusto raw niya na mayroong matamis na serbisyo.

“Gusto ko may E.S. Extra… sweetness,” pilyang sambit ng unkabogable star, na ang ini-expect ng lahat ay sasabihin niya ang extra service.

Pero hindi natapos ang tuksuhan dahil tinanong naman ni Vice kung gusto ba ni Anne ng E.S. mula kay Erwan.

“Eh ‘di pag-uwi mo kay Erwan mamaya may E.S. ka,” tanong ni Vice.

“Oo! Kasi sweet kami. Bagong kasal kaya dapat extra sweet,” sagot naman ni Anne.

Siyempre todo halakhak na naman si Mrs. Heussaff na may kasama pang paghampas sa co-host. Buti pa si Anne, ‘di na kailangan magbayad para sa E.S.!

Bukod sa E.S. na gustong-gusto ni Vice, inamin niya na may ka-date siya nung Valentine’s day.

“Nakaarkila ako. ‘Yung downpayment ko nga 75% eh, para go siya agad,” pagpapatawa ng phenomenal box-office star.