Una sa Balita

Vice Ganda super landi pa rin sa ibang lalaki

0 342

Sey mo Ion?

Easter Sunday na Easter Sunday, grabe ang pagpapainit ng episode ng “Gandang Gabi Vice” na ikinatuwa naman ng ating mga kafatid sa pananampalataya at ang mga karibal nitong kalahi naman ni Eba.

Tatlong guest ni Vice na puro macho ang bumuhay sa kalamnan ng mga ito dahil nga sa nagpuputukang muscles nila sa katawan bukod pa sa mga katakam-takam nitong mga mukha.

Sila ay sina Mark Mcmahon, Gab Lagman at Enzo Pineda na walang kebs na nagpakita ng kanilang abs habang naka-topless sa ginawang paandar ni Vice na kita namang kinikilig-kilig din na pabirong nagpapapungay ng kanyang mata at tila parang ipinararamdam niya na feel din niya ang mga ito.

Lalo na ‘yung portion na nakahiga siya at sa ibabaw niya ay isa-isang nagpu-push ups ang tatlo na halos idikit na ang mga mukha sa kanyang mukha at mga naka-topless pa rin, huh!

Marunong ngang magdala ng kanyang kakiligan ang Unkabogable Box-Office Star, na dinaan lang niya sa pagpapa¬kenkoy. Pero, ako pakiramdam ko ang pinaka-feel niya ay si Mark na matagal na niyang kakilala, na mula pa sa Siargao.

‘Yun nga lang, nabasag ang masayang trip na ‘yun nang patugtugin ang laging isinasayaw ng kanyang boyfriend na si Ion Perez sa “It’s Showtime” kaya mas lalong nauwi sa tawanan ang portion na ‘yun. (Glenn Regondola)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy