Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vice Ganda pinaiyak ng mga comedy bar host

0 94

Naging emosyonal na naman si Vice Ganda nang bisitahin niya ang isang comedy bar.

Sa tweet, binahagi ni Vice ang naramdaman ng mga sandaling pinapanood niya ang mga komedyante sa entablado.

Hindi naiwasang magbalik-tanaw ang “It’s Showtime” host sa mga nakaraan, na rason kung bakit siya nakarating sa estado at marangyang pamumuhay ngayon.

“Went to a comedy bar tonyt. Saw some familiar faces. Got emotional while watching them on stage. Saw my self. My beginnings. My heart was joyful. Couldn’t help but to say thank you Lord repeatedly in my mind. To all the comedy bar performers and staff you will always be special!”

Bukod kay Allan K, na nagmula sa comedy bar, si Vice ang itinuturing na most successful and richest gay entertainment personality na galing sa comedy bar.

Sinasabing natiyempuhan si Vice ng suwerte nang magpaulan ang Diyos. Pero hard work and talent din naman talaga ang pinuhunan ng Kapamilya star.

Diego maalaga sa mga anak ni Sunshine

Muling pinapurihan ni Sunshine Cruz si Diego Loyzaga.

Binuhos ni Sunshine ang pasasalamat sa mga larawang pinoste niya na kasama si Diego at mga anak niyang dalaga.

Para kay Sunshine, best brother si Diego sa mga anak niya.

“Happy birthday to the best brother my princesses could ever have. Thank you for always being there for your sisters Diegs. For being protective and being such a loving kuya. They are blesses to have you as their Kuya Diego. We love you and know that we always here for you. Enjoy your special day Diegs,” sabi ni Sunshine.

Maiintindihan kung bakit abot-hanggang langit ang pasasalamat ni Sunshine kay Diego. Hindi kasi nagpabaya ang aktor sa tungkulin nito bilang kuya.

Rayver baliw sa alindog ni Julie Anne

Maiintindihan kung bakit naging vocal si Rayver Cruz sa pag-ibig kay Julie Anne San Jose. Bukod sa ganda, talent ni Julie Anne, walang lalake ang hindi mababaliw sa alindog nito.

Sa ibang mga photo posting ni Julie Anne sa Instagram ng mga bikini shot niya, walang duda ang nagliliyab ng kaseksihan ng singer-actress.

Masisilip sa larawan niyang nakatayo sa ibabaw ng mga batuhan ang maliwanag pa sa sikat ng araw na napakagandang hubog ng katawan ni Julie Anne.

Mistulang isang international swimsuit model ang porma ng kaseksihan ni Julie. Hindi bastusin ang dating ng alindog nito, sa magandang pagkakaporma ng katawan nito, kumpara sa ibang halos lumuwa na ang suso at hiyas ng ibang hubadera sa suot nilang bikini.

Makikita rin na alaga sa work-out ang pigura ng Kapuso star, lalo na ang abs nito.

Hindi nga napigilan ni Rayver ang humanga kay Julie, at tatlong “fire” icon ang kinumento nito sa post ng dalaga.

Suwerte si Rayver kapag nasungkit nya ang matamis na “oo” ni Julie Anne. Loaded na sa katangian ang actress-singer, taglay pa nito ang kaseksiha at alindog na wala sa iba.

Nora binitbit mga anak, apo sa riles ng tren

Hanggang “sinigang” lang ang pinagsaluhan ng superstar na si Nora Aunor at ng kanyang mga anak na sina Matet de Leon (kasama ang mister), Ian de Leon (kasama ang misis), Kenneth, Kiko, para sa 69th birthday celebration nito nong Sabado.

Pinoste ni Matet ang ilang larawan ng pagbisita nila sa Bicol kasama ang kanilang ina, para balikan ang pinanggalingan ng award-winning actress.

Makikita ang photo nina Matet habang naka-background ang Bulkang Mayon. Nag-swimming din sila, at may mga photo na kasama ang mga tagaroon.

Sa huling larawan makikita ang salu-salo nila kasama si Ate Guy. Ayon kay Matet, sinigang ang kanilang pinagsaluhan sa kaarawan ng kanyang ina.

“Spent 5 days in bicol with our mom. Pinakita nya sa amin ang dati niyang school at kung saan ang riles ng tren na pinagtindahan niya ng tubig noong araw! Ang bahay nila ng mga lola ko. Nakilala din namin ang mga pinsan at pamangkin naming sa bicol! And when we got back today, simpleng hapunan para sa kanyang birthday. Sinigang!!! Ayaw na niya ng party. But it was truly, truly a memorable birthday celebration,” sabi ni Matet.

Posibleng may kinalaman sa mga lupain ni Nora ang rason ng pagkaray niya sa kanyang mga anak sa Bicol, para ipakita ang mga mamanahin ng mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.