Una sa Balita

Vice Ganda pinaiyak ang bading na fan sa Japan

0 435

abante-paistaran-dondon-serminoTrending na naman ang “Miss Q and A” sa social media, at this time tungkol ito sa kung paano nagkita ang contestant na si Brenda Mage at ang idolo niyang si Vice Ganda.

Isa palang sikat na stand-up comedian sa Japan si Brenda Mage, kaya noong nag-show si Vice roon, hindi niya talaga ito pinalampas.

Kaso nga lang dahil walang pera, hindi niya rin natupad ang dream niyang makapag-selfie kasama ang unkabogable star dahil murang ticket lang ang nabili nito.

“Nag-post ako sa Facebook. Sabi ko, ‘Dear idol, hindi man ako nakapagpa-picture sa’yo, balang araw hindi na ako makikipagsiksikan kasi one day magpapa-picture ako sa’yo nang walang kaagaw,’” kuwento ni Brenda.

Pagkatapos nito, nag-viral sa mga Filipino sa Japan ang kanyang post. Eh naikuwento kay Vice ng mga Pinoy na tour guide ang tungkol kay Brenda. Agad-agad ding bumiyahe si Vice, na umabot pa raw ng tatlong oras para lang makita si Brenda.

Pabiro namang inokray ni Brenda si Vice dahil nakapasok daw ito nang walang bayad sa pinagtatrabahuhan niyang bar, samantalang siya nagbayad ng ilang libo para lang mapanood si Vice.

“Kaya ako pumunta dun dahil sa’yo! Ang layo-layo! Gutom na gutom ako, pagod na pagod ako. Pagdating ko, ganito lang pala dadatnan ko,” biro ni Vice sabay turo sa mukha ni Brenda.

“Mahal na mahal kita. Importante sa akin na may taong nag-e-exert ng effort makita lang ako. You made me feel so special and made me feel so loved at that time,” dagdag naman ni Vice.

Lubos naman ang pagpapasalamat ni Brenda sa kanyang idol dahil ito ang nagsilbing inspirasyon sa kanyang pagtatrabaho bilang stand-up comedian.

Glaiza ayaw nang maghiganti sa mga kalaban

Magtatapos na ngayong hapon ang GMA’s Afternoon Prime series na Contessa. At sabi ni Glaiza de Castro, malaking karangalan sa kanya na gumanap bilang si Contessa.

Marami raw siyang good and memorable moments, pero ang eksena na ini-reveal siya mula sa pagiging Bea to Contessa ang hindi raw niya makakalimutan.

“Hindi ko makakalimutan ‘yung transition­ ni Bea to Contessa dahil isa siyang magandang symbolism na we can always redeem ourselves kahit ilang beses tayong nasaktan o nagkamali,” sabi ni Glaiza.

Pero, gusto rin daw ipakita ng karakter niya na forgiveness is more powerful than revenge.

“Kagaya ni Contessa, ilang beses ka man subukang pabagsakin, kung mabuti ang intensyon mo, magwawagi ka pa rin. Hindi paghihiganti ang sagot sa mga taong nanakit sa’yo kundi pagpapatawad.”
Pero ang tanong, happy ending ba si Contessa ngayong hapon? O mananaig pa rin ang kademonyohan ng Imperial family?

Hashtag Nikko gustong pumatay ng beki

Gusto nga bang pumatay ni Hashtag Nikko Natividad ng bading? Galit nga ba siya sa isang bading na nakarelasyon niya?

Anyway, ganiyan ang kuwento ng Ipaglaban Mo ngayong hapon sa ABS-CBN.

Magtatambal nga sina Hashtag Nikko at Alex Medina sa isang kuwento ng pagka­bigo na mauuwi sa paghihiganti ngayong Sabado (Sept. 8) sa ‘Ipaglaban Mo’.

Maingat ang beautician na si Ernie (Alex) sa pakikipagrelasyon dahil takot siyang magaya sa mga kaibigang bading na laging hinuhuthutan ng pera ng kanilang mga nagiging nobyo. Ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya si Marco (Nikko) matapos siyang ipagtanggol sa mga tambay na nambabastos sa kanya.

Maganda ang simula ng kanilang relasyon ngunit dadalas ang paghingi ng pera ni Marco kay Ernie.

Tuluyan silang maghihiwalay dahil mahuhuli ni Ernie si Marco na may babae.

Hindi matatanggap ni Marco na bading ang nakipaghiwalay sa kanya kaya gagawa siya ng paraan para makaganti kay Ernie. Ano ang masamang balak ni Marco kay Ernie? Papatayin ba niya ito? Malampasan kaya ito ni Ernie?

Handog ng ‘Ipaglaban Mo’ ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.