Una sa Balita

Vice Ganda nataranta sa ‘betlog’ ni Ion Perez

0 520

Ayaw ng MTRCB:

Habang tumatagal ay mas nakakaintriga na talaga ang namamagitan kina Vice Ganda at ‘Kuya Escort’na si Ion Perez. Araw-araw ay may kulitan na eksena ang dalawa sa segment na ‘KapareWHO’ sa “It’s Showtime” at palagi rin na may something na pahiwatig ang dalawa kung ano nga ba ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ang gimik nina Ate Gurl na si Jackie at Ion kamakailan ay naka-outfit sila na pang- work out, kaya ang eksena ay mag-e-exercise kunyari sila at pagalingan silang makumbinsi si Vice kung anong mas angkop na gawin sa park.

Doon nga nagsimula ang kulitan nila na napunta sa usapang may pahiwatig sa kanilang pagsasama. Tinanong ni Vice kung saan magaling si Ion na sport, sinagot ito na magaling siyang lumangoy lalo na kapag sumisisid.

Tapos napansin naman ni Vice at tinanong kung anong kinalaman ng jumpin­g rope na hawak ni Ion, at sagot ni Ion na may GPS ang kanyang jumping rope para i-trace ang lokasyon ni Vice.

“Echosero ka may GPS ‘yung jumping rope,” hirit ni Vice.
Naghiyawan naman ang madlang people sa naging sagot ni Ion na “may sinaksak ako sayo, ‘di mo lang alam,” at mas pinainit pa ng pangangantyaw ni Vhong Navarro at ng malakas na tawa ni Anne Curtis kaya mas nag-ingay ang madlang people.

Umentra rin si Ryan Bang, tinanong kay Ion kung saan sinaksak kay Vice (na mommy niya) ang tinutukoy nitong GPS.

“Sa katawan niya,” agad na sagot ni Ion na mas lumakas ang ingay ng mga fan dahil tila may mas malalim pa ngang kahulugan ang mga sinasabi ni Ion at iba pang mga host.

Pagkatapos naman noon ay tinanong ni Vice kung bakit ba kailangan siyang lagyan ni Ion ng GPS sa katawan; “Para alam ko kung nasaan ka, para walang issue,” sabi naman ni Ion.

Kita naman sa pagtititigan ng dalawa ang kilig sa kanilang mga mata kaya naman mas nabigyan ng kahulugan ang kanilang banter sa ‘KapareWHO’.

Nang tanungin naman ni Vice si Ion kung bakit ayaw nitong may kasama siyang iba, “Ayaw ko, magseselos si Betlog,” sagot ni Ion.

Nataranta nga ang lahat, pati sina Anne at Vice, dahil ang dinig nga nila ay ‘betlog’!

Pero, doon nga nahuli ang dalawa na mayroon pala silang tawagan na “betnog” at “betla”.

‘Yun na nga, ‘betnog’ daw ang sinabit ni Ion at hindi ‘betlog’. Naku, muntik ngang mapahamak si Vice kung nagkataon na nagkamali si Ion ng sabi, ha!

Anyway, ‘Betnog’ at ‘Betla’ pala ang term of endearment nila, ha! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy