Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Vice Ganda natameme sa pagbasura ng ABS-CBN franchise renewal

0 1,134

Emosyonal at hindi maproseso ni Kapamilya star Vice Ganda ang kanyang sasabihin ng malaman ang tungkol sa pag-deny ng Kongreso sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Habang pinagbobotohan ang para sa prangkisa ng ABS-CBN, rumonda si Vice sa tapat ng ABS-CBN compound para ipaglaban ang prangkisa ng network.

“Kailangan kong prosesohin pa ‘yung nararamdaman ko kasi ngayon ko lang nalaman yung desisyon, so magulo yung pa yung nararamdaman ko,” saad ni Vice sa mga reporter matapos mabatid na 70 kongresista ang pumabor para i-deny ang prangkisa sa ABS-CBN, habang 11 naman ang bumoto ng ‘no’ para ipaglaban ang prangkisa.

Humingi ng paumanhin si Vice sa media dahil kita ang panginginig sa pagbasura ng renewal ng ABS-CBN franchise.

“Buhay natin ito, buhay ko, buhay niyo (media), buhay ng audience… Ang ABS-CBN, ang serbisyong ibinigay niya ay naging malaking bahagi ng pang-araw-araw na buhat ng mga Pilipino,” reaksyon ni Vice sa pag-deny sa prangkisa.

RP

Leave A Reply

Your email address will not be published.