Una sa Balita

Vice Ganda napikon sa tanong ng blogger

0 881

Ni: Rose Garcia

Halatang napikon si Vice Ganda sa isang tanong ng blogger nu’ng presscon ng “The Mall, The Merrier” kung sa palagay raw ba nito, kailangan ng comedy film sa filmfest.

Tumitig muna si Vice sa nagtanong at saka niya ibinalik ang tanong na, “sa tingin mo, kailangan ba ng comedy sa Pasko?” Na sinagot naman ng nagtanong na, “opo.”

So it means nasagot na raw ang tanong nito. At sabi nga ni Vice, hindi lang ngayong MMFF o ngayong Kapaskuhan kailangan ng comedy kundi araw-araw.

Kasama rin sa “The Mall, The Merrier” ang boyfriend ni Vice na si Ion Perez. Inamin ng dalawa na 13 months na ang relasyon nila at sa Pasko ang susunod nilang monthsary.

Sa pagkamatay ni Miko: Reaksyon ni Bea Alonzo inaabangan

Breaking news at talagang ginulat ng aktor na si Miko Palanca ang lahat dahil sa pagkamatay nito.

Again, depression ang sinasabing dahilan kung bakit nangyari. Unang lumalabas sa balita na diumano’y depressed ito dahil sa love life. 41 years old na si Miko at kung totoo nga na love life ang dahilan, it only goes to show na walang pinipili ang pagka-depress sa pag-ibig kesehodang teenager ka o katulad ni Miko na 41-anyos na.

Sa nangyari, dalawa agad ang naalala ng mga tao sa pagkamatay niya. Ang ex-girlfriend na si Bea Alonzo na nakasama ni Miko sa mga past ABS-CBN shows at ang matagal nang namayapang aktor rin na si Mico Sotto.

Pareho kasing “Mico” ang pangalan ng dalawa at pareho rin ang naging cause of death – pagtalon/pagkahulog mula sa building.

Dalawa pa lang sa mga kapatid ni Miko ang nag-post sa kanilang Instagram account, sina Erica at Martin. Parehong nagpahayag at nagsabi ng “I love you” sa kanilang namayapang kapatid.

Naglabas din ng statement ang pamilya na nagpapasalamat sa mga nakikiramay at nakiusap for privacy.

Si Bernard Palanca ang tulad ni Miko ay nasa showbiz din, pero as of this writing ay hindi pa naglalabas ng anumang statement o saloobin niya sa pagpanaw ng kapatid.

Bela, Tirso markado ang eksena sa ‘Miracle’

Napanood na namin nang ilang beses ang Korean film na “Miracle in Cell No. 7” kaya gusto naming makita talaga kung paano ang gagawing adaptation ng VIVA Films at kung paano ang magiging portrayal nina Aga Muhlach at Xia Vigor.

Kung matunog na ang pangalan ni Judy Ann Santos bilang best actress after winning from Cairo International Film Festival, palagay namin ay malakas din ang laban ni Aga for best actor naman.

Given na magpapaiyak ang pelikula base sa original nito, pero, ang galing lang na kahit napanood na ito nang ilang beses ay wagas pa rin ang iluluha ng makakapanood.

Halos wagas ang iniluha ng ilang nanood sa special screening pa lang. Touching ang samahan ng inmates na na-achieve din sa Pinoy version.

Sina Tirso Cruz III at Bela Padilla na kahit maikli lang ang role ay mararamdaman at ang husay.

Kaya sana all nga ay manood ng “Miracle in Cell No. 7” kapag ipinalabas na ito simula sa Kapaskuhan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More