Una sa Balita

Vice Ganda napasugod sa Bahay ni Kuya dahil kay Hasna

0 343

In fairness sa “PBB” ha, dalawang mahahala­gang isyu ang agad tinalakay nito ngayong linggo. Una d’yan ang pagpapahalaga sa children with autism at pangalawa naman ang pagpapakitang mali ang magbitiw ng rape jokes.

Dapat palakpakan ang agad-agad na aksyon sa naging violation ng housemate na si Banjo Dangalan dahil instant ang kanyang forced eviction!

Unang lumabas ang issue kay Banjo noong nomination night, kung saan ilang female housemates ang bumoto sa kanya dahil hindi raw sila kumportable sa pag-amoy niya ng mga buhok nila. Pero naulit na naman siyang gumawa ng violation nang magbitiw siya ng rape joke sa harap ng housemates kasama ang kababaihan.

Dahil dito, nagtipon ang housemates na sina Franki, Diana, at Jamie at pinag-usapan kung gaano sila hindi naging kumportable sa mga biro ni Banjo. Kaya girl power silang nakipag-usap sa boys para sabihing hindi tamang gumagawa sila ng green jokes sa harapan nila.

Pero iyon na pala ang huling moments ni Banjo sa bahay dahil ipinatawag na siya ni Kuya at ipinataw na sa kanya ang desisyon. Kinausap naman nang mabuti ni Kuya si Banjo, at mukha rin namang naintindihan ni Banjo ito. Nag-sorry rin siya sa kapwa housemates niya at nangakong hindi na ito uulitin.

Nakakabilib ang “PBB” management dahil sineseryoso talaga nila ang ganitong isyu. Magandang aral din ito lalo na sa kabataan na hindi tama ang magbiro tungkol sa rape. Isa itong traumatic experience sa mga biktima at ‘di dapat pinagtatawanan.

Usap-usapan din sa social media ang madamdaming pagkukuwento ni Hasna tungkol sa kanyang dalawang autistic na anak. Minsa’y nakita niya kung paano binully ng ibang mga bata ang kanyang anak na walang malay na sinasampal na siya. Tumigil sa trabaho si Hasna at pinasukan ang ukay-ukay na negosyo para magkaroon ng oras para bantayan at alagaan ang kanyang mga anak. Sila rin ang pinagkukuhanan niya ng lakas at nawawala ang lahat ng hirap niya kapag niyayakap siya ng kanyang mga anak.

Umani ng words of encouragement si Hasna sa viewers at pati si Vice Ganda ay naantig sa kanyang kuwento kaya’t pumasok siya sa bahay ni Kuya para tumulong sa ukay-ukay task ni Hasna.

Sana magsilbing aral sa atin ang mga kuwento ng “PBB” housemates. May dahilan kaya lampas isang dekada ay nasa ere pa rin ang reality show.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy