Una sa Balita

Vice Ganda napamura sa pagkatalo ng ‘Pinas

0 566

Sa simula ay puro biro lang si Vice Ganda tungkol sa Miss Universe. Kasama nga niya ang mga kaibigang bading na nanood ng naturang beauty pageant.

Ang bongga nga dahil sagana sa ‘lafang’ sa lamesa. Pero, hirit niya; “Kapag hindi pumasok ang Philippines, pababayaran ko sa inyo ang mga kinain niyo!”

Well, pumasok nga sa Top 20 si Gazini, at nagtatalon sa tuwa si Vice. Pero, sa Top 10 nga ay ligwak. Hindi makapaniwala si Vice.

“Laglag tayo sa top 10? Laglag! Baka 11. Tingnan natin. Hindi ako bibitaw. Baka isa pa! Parang 11, eh,” sabi pa ng bida sa “The Mall, The Merrier”.

“Wala sa top 10 si Gazini! Pu@##$ ina, ano ba yan?” sabi ni Vice na hindi talaga makapaniwala.

Kaloka!

Iza tumanggi sa sabong kay Juday

Para kay Iza Calzado, hindi sila dapat pagsabungin ni Judy Ann Santos sa best actress category ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Iza nga ay bida sa pelikulang “Culion”, samantalang bida rin si Juday sa “Mindanao”.

At ngayon pa lang, marami na ang nagsasabi na silang dalawa ang maglalaban sa best actress.

Pero, para kay Iza, hindi maganda na sa ganito umiikot ang istorya. Mas maganda raw na ibenta ang pelikula nila na maganda, at maraming aral na matututunan.

Wala naman daw duda kung gaano kahusay si Juday, pero sana nga raw ay huwag na lang silang pagsabungin ni Juday.

Emotional nga si Iza, dahil hindi lang siya artista, kundi isa rin sa mga prodyuser ng “Culion”. At siyempre, hangad niya na makabawi sila, at mapalaganap ang magandang mensahe ng pelikula nila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More