Una sa Balita

Vice Ganda ‘namanhikan’ kina Ion

0 480

Mula nang mabuking na mayroon na palang tawagan sina Vice Ganda at ‘Kuya Escort’ Ion Perez (na Betnog at Betla), tila mas kakaiba na talaga at nangangamoy na ang real score sa kanila, dahil nakita nga kamakailan sa Instagram story ni Vice na dumalaw ito sa bahay nina Ion.

So what is the meanin­g of this? Malamang ay ipinakilala na ni Ion si Vice sa pamilya nito. Pero bilang ano?

Well, sa palagay ng mga fan ay bilang dyowa na nga! Ganoon ka-advance mag-isip ang madlang people.

Kalat na nga rin nga­yon sa social media ang naganap na pagbisita ni Vice kina Ion na inihambing pa ng mga fan ito bilang “pamamanhikan”.

Abot sa kabilang universe nga ang kilig ng mga fan sa pangyayaring iyon at hinihintay na nga lang ang kumpirmasyon nina Vice at Ion kung ano na nga ba talaga ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kita naman kasi sa mga litrato na masaya si Vice at hindi talaga matawaran ang ngiti na nakita ng mga fan sa kanya sa pagpunta nito sa bahay nina Ion.

Kumakalat din sa Twitter ngayon ang litrato na nakayapos nang mahigpit si Ion kay Vice. Nakadikit na rin ang labi ni Ion sa pisngi ni Vice habang malagkit talaga ang samahan nila na tipong pose ng mag-dyowa talaga! (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy